^

PSN Palaro

Game 1 sa Hotshots

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbuhos ng matinding lakas ang Star Hotshots sa huling minuto ng bakbakan para itakas ang 78-74 desisyon laban sa Barangay Ginebra at hablutin ang pambuenamanong panalo sa kanilang Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup best-of-se­ven semifinal series kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Umarangkada ng husto si Paul Lee na tumipa ng 18 puntos at humatak ng limang rebounds katuwang si Mark Barroca na kumana naman ng 17 puntos, tatlong boards at dalawang assists para manduhan ang ratsada ng Hotshots.

“Kailangan ko lang ma­ging patient sa offense ko alam kong nakaabang sila sa akin kaya pag may opportunity lang ako saka lang ako titira. Kumapit lang ako sa system namin, nag-usap-usap lang kami sa loob,” pahayag ni Lee.

Apat na Gin Kings ang tumapos ng double figures sa pangunguna nina Chris Ellis at Japeth Aguilar na may tig-12 puntos na nakuha subalit bigo pa rin itong makuha ang panalo. May tig-10 puntos sina Sol Mercado at Jervy Cruz.

Nakatakda ang Game 2 ng tinaguriang Manila Clasico sa Sabado alas-5 ng hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City kasunod ang Game 3 sa Pebrero 13 sa parehong venue at ang Game 4 sa Pebrero 15 sa Big Dome.

Samantala, puntirya naman ng nagdedepensang San Miguel Beer na maikamada ang 2-0 lead sa kanilang muling pagkikita ng TNT Katropa sa Game 2 ng kanilang sari­ling best-of-seven semis series ngayon.

Maghaharap ang Beermen at KaTropa sa alas-7 ng gabi sa MOA Arena.

STAR 78 - Lee 18, Barroca 17, Pingris 9, Sangalang 8, Maliksi 7, Jalalon 6, Reavis 5, Melton 5, Dela Rosa 2, Ramos 1, Brondial 0.

Ginebra 74 - Aguilar 11, Ellis 12, Cruz 10, Mercado 10, Tenorio 8, Thompson 7, Ferrer 7, MArcelo 5, Mariano 4.

Quarterscores: 14-19, 37-38, 60-58, 78-74. 

 

vuukle comment

STAR HOTSHOTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with