^

PSN Palaro

Huey, Lim nadiskaril

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Tuluyan nang nagwa­kas ang kampanya ni Fil-Am Treat Huey habang bigo si Alberto Lim Jr. sa kanyang second-round match sa juniors division ng 2017 Australian Open na ginaganap sa Melbourne Park.

Umani ng dikit na 7-6 (6), 6-7 (5), 8-10 kabiguan sina Huey at Slovenian Andeja Klepac laban kina Michaella Krajicek ng Ne­therlands at Raven Klaa­sen ng South Africa sa first round ng mixed doubles.

Nakalikom sina Huey at Klepac ng 13 aces su­balit nakagawa ang dalawa ng 27 unforced errors kasama ang limang double faults sa larong umabot ng isang oras at 39 minuto.

Napatalsik din sa kontensiyon ang 16th seed na si Lim sa boys’ singles nang lasapin nito ang 4-6, 6-7 (3) pagyuko laban kay Ma­xence Broville ng France sa second round.

Naging matatag na armas ng Pranses ang kanyang matatalim na serves matapos magpakawala ng siyam na aces upang pigilan ang Pinoy netter.

Dahil dito, tanging sa doubles na lamang umaasang makahirit si Lim kung saan makakapares nito si Alexandre Rotsaert ng Amerika laban kina fourth picks Yu Hsiou Hsu ng Chinese-Taipei at Zhao Liingxi ng China sa first round.

Hangad ni Lim na sundan ang yapak ni Francis Casey Alcantara na bukod-tanging Pilipino na nagkampeon sa Australian Open juniors.

Noong 2009, naghari si Alcantara katuwang si Taiwanese Hsieh Cheng-Peng sa doubles event.

vuukle comment

HUEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with