^

PSN Palaro

Pocari, Customs unahan sa game 1

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pocari, Customs unahan sa game 1
Si Alyssa Valdez ang isa sa magdadala sa kampanya ng Customs para sa asam na titulo.
MDG

MANILA, Philippines - Mag-uunahan ang Pocari Sweat at Bureau of Customs na mahablot ang 1-0 bentahe sa paglarga ng Game 1 ng Shakey’s V-League Season 13 Reinforced Conference best-of-three championship series ngayong araw sa Philsports Arena sa Pasig City.

Muling magkakasubukan ang Lady Warriors at Transformers sa alas-6 ng gabi habang maghaharap sa battle-for-third ang University of Santo Tomas at BaliPure sa alas-4.

Malalim na ang karanasan ng Pocari na nakapagkampeon na sa Open Conference.

Nagtataglay pa ito ng mahuhusay na imports sa ngalan nina Breanna Mackie at Kay Kacsits na sanay na sa sistema ng Lady Warriors.

“I’m excited to play in the finals. It’s gonna be a tough fight. It’s all good pressure, good nerves and the best team will win,” wika ni Mackie na siyang pangunahing nasasandalan ng Lady Warriors sa tuwing kinakailangan nito ng puntos.

Malaki rin ang magiging tungkulin nina Myla Pablo at Michele Gumabao na siyang tutulong naman sa opensa habang aariba sa net defense si Desiree Dadang gayundin si Melissa Gohing na magmamando naman sa floor defense.

Nariyan din si Fil-Am setter Iris Tolenada na nagtataglay din ng pamatay na service aces.

Inihayag ni Customs mentor Sherwin Meneses na underdog ang kanyang tropa sa serye.

Subalit tila hindi ito mapaniwalaan ng karamihan dahil nagtataglay ang Transformers ng malalakas na manlalaro sa pangunguna ni three-time UAAP MVP Alyssa Valdez kasama pa sina Thai imports Kanjana Kuthaisong at Natthanicha Jaisaen.

“We need to start strong, play strong and finish strong. It’s going to be a great series between our teams. Sobrang competitive ng Pocari. Iba talaga yung competitive spirit nila,” ani naman ni Valdez.

Papalo rin para sa Transformers sina Rose Marie Vargas, Pau Soriano at Lilet Mabbayad na kinakailangan din ng malaking kontribusyon para pigilan ang malakas na puwersang ilalatag ng Lady Warriors.

Sa Spikers’ Turf Season 2 Reinforced Conference, susubukan ng Philippine Air Force na makuha na ang titulo sa paglarga ng Game 2 laban sa Cignal sa best-of-three championship series.

Wagi ang Air Spikers sa HD Spikers sa Game 1 sa iskor na 23-25, 19-25, 25-19, 27-25, 15-12.

vuukle comment

POCARI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with