^

PSN Palaro

Titulo wala nang kawala kay Morales

JV - Pilipino Star Ngayon

MALAYBALAY, Bukidnon, Philippines--Handa na si Jan Paul Morales ng Navy-Standard na pormal na isuot ang korona ng Mindanao Leg ng LBC Ronda Pilipinas 2016.

Inaasahang gagamitin ni Morales ang fifth at final stage bilang kanyang victory lap sa pagtatapos ng karera rito sa City Plaza.

Nakalapit si Morales sa pagsikwat sa Mindanao title nang pamunuan ang 21.7-kilometer Stage Four Indivi­dual Time Trial sa Dahilayan, Manolo Fortich sa Bukidnon sa kanyang oras na 48 minuto at 26.69 segundo noong Huwebes.

Kumolekta si Morales ng kabuuang 49 points matapos ang apat na sta­ges at iwanan ng 14 points si No. 2 at fellow Navyman Ronald Oranza na may 35 points.

Kailangan na lamang ni Morales na tapusin ang final stage--isang three-kilometer criterium--para tuluyan nang iputong ang korona sa kanyang ulo.

“Tapos na,” sambit ni Morales ng Calumpang, Marikina.

Ang tanging paraan para maagaw nina Oranza at Lloyd Reynante, ang Navy team captain na may 33 points, ay kung hindi sasali si Morales sa karera.

Pumangalawa si Morales kay Oranza sa Stages One at Two sa Butuan bago pagharian ang Stage Three criterium sa Pueblo de Oro sa Cagayan de Oro noong Martes at ang ITT sa Manolo Fortich noong Huwebes.

Nasa No. 4 hanggang No. 8 spots naman sina Navy bets Daniel Ven Carino, Rudy Roque, Joel Calderon, El Joshua Carino at John Mark Camingao sa kanilang 30, 26, 23, 16 at 12 points, ayon sa pagkaka­sunod.

Si Reynante ang kinila­lang Mitsubishi King of the Mountain winner matapos maghari sa KOM lap sa Stage One sa Butuan, habang si Morales ang tinanghal na ASG Sprint King.

Ang tanging award na pag-aagawan na lamang ay ang Petron Local Hero plum na ibibigay sa best rider mula sa Mindanao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with