^

PSN Palaro

Para talunin ang Powerhouse team Baldwin sasandal sa chemistry at preparasyon

ACordero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi kaagad umaasa si head coach Tab Baldwin na makakapaglaro si  Los Angeles Lakers star Jordan Clarkson para sa Gilas Pilipinas sa Olympic Qualifier Tournament sa July.

Ayon kay Baldwin, paghahandaan na lamang niya ang posibleng paglalaro ni Clarkson para sa Nationals.

“Jordan has already made a statement that he wants to play for Gilas. But he has paper work issues with FIBA. If that works out then he’ll be part,” wika ni Baldwin.

“If he’s available he’ll be with Gilas. If he’s not available then we’ll move on without him,” dagdag pa nito.

Ang pagbuo sa pinakamagaling na koponan at ang pagkakaroon ng matibay na team chemistry ang magbibigay sa Gilas Pilipinas ng pag-asa kontra sa mga powerhouse teams kagaya ng France sa Olympic Qualifier Tournament sa July.

Sasagupain ng Gilas Pilipinas ang France at New Zealand sa Group B at umaasang tatalunin ang nasabing dalawang koponan para makapasok sa semifinal round laban sa Canada at Turkey.

Ang Senegal ang kasama ng Canada at Turkey sa Group A.

Sa pagdaraos ng OQTs at pagtatapos ng NBA sea­son, sinabi ni Baldwin na mapupuno ang basketball court ng mga NBA players kagaya nina Tony Parker at Boris Diaw ng Spurs para sa France.

“All these players will be available to play for their respective countries,” wika ni Baldwin.

May ilang NBA players din ang Canada.

Isang aktibong NBA player naman katulad ni Clarkson ang idinadasal ng Gilas Pilipinas na maipaparada sa Olympic qualifying.

“As a coach I believe in preparation,” ani Baldwin. 

Maliban sa Manila, ang dalawa pang Olympic quali­fying ay gagawin sa Italy at Serbia kung saan ang tanging tatlong koponang magkakampeon ang makakapitas sa tatlong tiket para sa 2016 Rio Olympics sa August.

Sinabi ni Baldwin na may sapat pang panahon para mapaghandaan ang Manila qualifier.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG SENEGAL

BALDWIN

BORIS DIAW

CLARKSON

GILAS PILIPINAS

GROUP A

GROUP B

JORDAN CLARKSON

OLYMPIC QUALIFIER TOURNAMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with