^

PSN Palaro

Pinoy chessers sumikwat ng pilak at 2 tanso sa Indonesia

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umani ng isang pilak at dalawang tansong medalya ang Pilipinas sa 2015 Asean Chess Championship na ginanap sa Sekolah Catur Utut Adianto sa Jakarta, Indonesia.

Nasiguro ni Woman International Master (WIM) Janelle Mae Frayna ang pilak na medalya sa wo­men’s division kung saan nakalikom ito ng walong puntos mula sa limang panalo at anim na draw habang nagkasya sa tanso si Woman FIDE Master (WFM) Shania Mae Mendoza na may 7.5 puntos buhat sa limang panalo at limang draw.

Nagwagi si Frayna laban kina WFM Nur Abidah Shanti ng Indonesia sa first round, Amanda Suci Fitriyani ng Indonesia sa third round, WFM Ardhiani Anastasia Citra Dewi ng Indonesia sa sixth round, WFM Nur Najiha Azman Hisham ng Malaysia sa eighth round at WFM Dita Karenza ng Indonesia sa ninth round.

Naipuwersa ni Frayna ang mga draw kontra kina Woman Grandmaster Nguyen Thi Mai Hung ng Vietnam (second round), Nur Nabila Azman Hisham ng Malaysia (fourth round), WIM Bernadette Galas ng Pilipinas (fifth round), WIM Hoang Thi Nhu ng Vietnam (seventh round), Mendoza (10th round) at WIM Chelsie Monica Ignesia Sihite ng Indonesia (11th round).

Nasungkit ni Nguyen Thi Mai ang kampeonato tangan ang siyam na puntos galing sa pitong panalo at apat na draw.

Sa isa pang tanso ng Pilipinas ay nakuha ni IM Jan Emmanuel Garcia sa men’s division.

Sa katunayan, kasosyo ni Garcia sa unahan sina Vietnamese FM Nguyen Anh Khoi at GM Dao Thien Hai tangan ang pare-parehong pitong puntos.

Subalit nakuha ng dalawang Vietnam bets ang unang dalawang puwesto sa bisa ng mas mataas na tiebreak points.

Naipanalo ni Garcia ang kanyang mga laro laban kina IM Nguyen Van Huy ng Vietnam sa first round, IM Wynn Zam Htun ng Myanmar sa fourth round at kababa­yang si GM Darwin Laylo sa eighth round habang naka-draw naman ito kontra kina Nguyen Anh, Dao thien, IM Sean Winshand Cuhendi ng Indonesia, GM Susanto Megaranto ng Indonesia, FM Yeoh Li Tian ng Malaysia, Yoseph Theolifus Taher ng Indonesia, IM Ali Muhammad Lufti ng Indonesia at Pinoy IM Paulo Bersamina.

Nasa ikaapat na puwesto si Bersamina hawak ang anim na puntos habang ika-11 naman si Laylo na nakalikom lamang ng 4.5 puntos.

vuukle comment

ACIRC

ALI MUHAMMAD LUFTI

AMANDA SUCI FITRIYANI

ANG

ARDHIANI ANASTASIA CITRA DEWI

ASEAN CHESS CHAMPIONSHIP

BERNADETTE GALAS

CHELSIE MONICA IGNESIA SIHITE

INDONESIA

PILIPINAS

ROUND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with