^

PSN Palaro

Blatche muling pipirma sa Gilas tutulong sa team Philippines sa Olympic World Qualifier

Joey Villar, Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling nangako si Andray Blatche na tutulungan ang Team Philippines para sa Olympic World Qualifier sa Hulyo na tumiyak sa national squad ng isang maaasahang big man sa pagharap sa lima pang koponan na mag-aagawan sa isang tiket sa 2016 Rio Games.

Paplantsahin ng Gilas Pilipinas at ng kinatawan ni Blatche na si Maria Espaldon ng East-West Private Holdings Ang detalye ng playing contract ng naturalized player para sa final Olympic qualifier na nakatakda sa July 4-10.

“After we decided that we will compete in the qualifier, we immediately informed him. He’s given his assurance he’ll be avai­lable and he’s okay,” wika ni Gilas team manager Butch Antonio.

Kabuuang 18 bansa ang mag-aagawan para sa huling tatlong tiket para sa 2016 Rio Olympics at sila ay hahatiin sa tatlong grupo.

Ang drawing of lots ay nakatakda ngayong buwan.

Pumirma si Blatche ng $7.5 million three-year deal sa Xinjiang team sa Chinese league, habang nakatakda naman siyang maglaro sa ikatlong pagkakataon para sa Gilas matapos noong 2014 FIBA World Cup at 2015 FIBA Asia Championship.

Maaari siyang maglaro para sa Olympic qualifier dahil tapos na ang 2015-16 Chinese Basketball Association season sa panahon na iyon.

Noong March 2015 ay tumanggap si Blatche ng pinakamalaking kontrata sa Chinese league matapos ang dominanteng rookie season sa Flying Tigers kung saan siya nagtala ng mga averages na 31.1 points, 14.6 rebounds, 5.1 assists at 2.8 steals.

Noong 2014 World Cup ay naposte siya ng mga averages na 21.2 points at 13.8 rebounds para sa Gilas.

Ngunit noong nakaraang taon ay naging overweight siya at nahirapang makipaglaban sa Changsha Asian meet.

Samantala, paplanuhin naman ng Gilas Pilipinas ang kanilang “Monday prog­ram” dahil ilan sa kanilang mga pool members ay maglalaro sa kanilang mga mother ball clubs sa PBA postseason play.

“We have to see how things spin out in the PBA playoffs. We have to give a little adjustment,” wika ni Antonio.

vuukle comment

ACIRC

ANDRAY BLATCHE

ANG

ASIA CHAMPIONSHIP

BUTCH ANTONIO

CHANGSHA ASIAN

CHINESE BASKETBALL ASSOCIATION

EAST-WEST PRIVATE HOLDINGS ANG

FLYING TIGERS

GILAS PILIPINAS

WORLD CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with