^

PSN Palaro

Happy b-day MP!

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Nag-celebrate ng ika-37 na birthday si Manny Pacquiao nung Huwebes sa General Santos City.

Gaya ng dati, marami ang dumagsa sa kanyang party. Marami ang nanggaling pa ng Maynila. Ang iba ay sakay ng private plane ni Chavit Singson.

Halo-halo ang bisita. May mga galing sa showbiz at may galing sa pulitika, kabilang na si Vice President Jojo Binay at ang kanyang anak na si Jun-Jun Binay.

Pero di naman kagaya ng dati, walang alak na hinanda. Walang beer, walang wine, walang hard. Puro soft drinks, juice at tubig ang nasa mga mesa.

Mula nang maging born again kasi si Pacquiao ay tinalikuran niya ang mga bisyo – alak, sugal at babae.

Ganun din ang mga nakapaligid sa kanya dahil kung hindi eh bad shot ka.

Natural, masarap ang pagkain. Gospel at religious songs ang music.

Gaya rin ng naka-ugalian, maraming raffle prizes para sa mga bisita. Isang brand new na kotse ang napanalunan ng isang kasambahay ni Pacquiao.

May mga nag-uwi rin ng mga motorsiklo at malalaking TV.

May mga sinuwerte at meron din happy naman nag-party kahit hindi nanalo.

Kanya-kanyang speech. Tinawag ni Binay si Pacquiao na “next senator” at tinawag naman ng sikat na boxer ang VP na “next president.”

Malapit na ang eleksiyon kaya tiyak na sa mesa nila Pacquiao ay pulitika ang nasa menu.

Hindi napag-usapan ang boxing at patuloy na nag-hihintay ang kanyang mga fans kung sino at kung meron nang napiling kalaban si Pacquiao para sa April 9 sa Las Vegas.

Ilang linggo na ang lumipas na naiulat na ready na mag-announce si Pacquiao.

Lawa pa rin.

vuukle comment

ANG

BINAY

CHAVIT SINGSON

GAYA

GENERAL SANTOS CITY

JUN-JUN BINAY

LAS VEGAS

MGA

PACQUIAO

VICE PRESIDENT JOJO BINAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with