^

PSN Palaro

Titular showdown kasado na sa Ultra Fast Hitters, Lady Troopers

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naiselyo ng PLDT Home Ultera at Philippine Army ang kanilang pagtutuos sa finals matapos payukuin ang kani-kaniyang karibal kahapon sa Shakey’s V-League Season 12-Reinforced Conference na ginanap sa The Arena sa San Juan City.

Halos hindi pinagpa­wisan ang Ultra Fast Hitters nang mabilis nitong dispatsahin ang University of the Philippines (UP), 25-11, 25-17, 25-17 upang masungkit ang unang silya sa finals.

Binanderahan nina Aiza Pontillas at Sue Roces ang atake ng Ultra Fast Hitters na may hawak na twice-to-beat bonus habang sapat na suporta naman ang ibinigay ng mga ka-tropa nito sa floor at net defense para agad na patumbahin ang Lady Maroons sa loob lamang ng 64 minuto.

Pumalo ng 13 puntos si Pontillas samantalang kumana naman ng 11 si Roces. Naging katuwang ng dalawa sina Janine Marciano, Laurence Ann Latigay at Charo Soriano na may pinagsama-samang 23 hits.

Hindi na ipinasok ni PLDT head coach Roger Gorayeb ang kanyang dalawang imports na sina Victoria Hurtt at Sareea Freeman upang makapagpahinga ito para sa kanilang mas importanteng laban.

“I let them (Hurtt and Freeman) sit out this game because I want them to see and adjust to how the locals play and not the other way around,” pahayag ni Go­rayeb na nagnanais maitarak ang Grand Slam sa torneong inorganisa ng Sports Vision ­iprinisinta ng PLDT Home Ultera at suportado ng Mikasa at Accel.

Nauna nang dinala ni Gorayeb sa kampeonato ang PLDT sa Open Conference kasunod ang ko­ronang ibinigay nito sa National University sa Collegiate Conference.

Humataw ng kabuuang 42 atake ang Ultra Fast Hitters kumpara sa 25 lamang na napalusot ng Lady Maroons.

Madali rin ang daang tinahak ng Army nang bombahin nito ang Philippine Navy, 25-16, 25-10, 25-22, para maisaayos ang pakikipagtuos sa PLDT sa finals.

Nanguna si Jovelyn Gonzaga para sa Army  matapos magsumite ng 10 hits habang nakalikom sina Honey Royse Tubino, Nerissa Bautista, Mary Palma, Sarah Gonzales at setter Tina Salak ng pinagsamang 30 puntos.

vuukle comment

ACIRC

AIZA PONTILLAS

ANG

CHARO SORIANO

COLLEGIATE CONFERENCE

GRAND SLAM

HOME ULTERA

HONEY ROYSE TUBINO

HURTT AND FREEMAN

LADY MAROONS

ULTRA FAST HITTERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with