Westbrook isinalba ang Thunder
WASHINGTON — Matapos ang kanyang drive sa first half at ma-foul ay papilay-pilay na naglakad si 2013-14 NBA MVP Kevin Durant sa loob ng court at hinawakan ang kanyang strained left hamstring.
Inamin ni Durant na masama ang kanyang naging bagsak.
“I came down a little awkward and landed on it a little harder than I wanted to and I pulled it,’’ wika ni Durant sa hallway ng kanilang locker room.
Sa pagkawala ni Durant sa halftime dahil sa injury ay hindi naman nagdalawang-isip si Thunder teammate Russell Westbrook na tapusin ang kanyang naiwang trabaho.
Naglista si Westbrook ng triple-double sa tinapos na 22 points, 11 assists at 11 rebounds para igiya ang Oklahoma City Thunder sa 125-101 panalo laban sa Washington Wizards.
Hindi nakalaro si Durant sa halos kabuuan ng nakaraang season dahil sa broken right foot na nangailangan ng tatlong operasyon.
Sa pagkawala sa aksyon ni Durant ay si Westbrook ang hinirang na NBA scoring champion.
Naulit ang senaryo nang kumamada si Westbrook ng 10 points, 5 assists at 3 rebounds sa third quarter para bigyan ng komportableng bentahe ang Thunder.
Naglista si Durant, ikalawa sa NBA sa scoring, na may 14 points at 10 rebounds sa first half.
Umiskor si Dion Waiters ng 25 points para sa Thunder, naipatalo ang tatlo sa kanilang huling apat na laro para sa 5-3 record.
Sa iba pang laro, pinadapa ng Cleveland Cavaliers ang Utah Jazz, 118-114; pinasabog ng Miami Heat ang Los Angeles Lakers, 101-88; tinalo ng New York Knicks ang Toronto Raptors, 111-109; binugbog ng Boston Celtics ang Milwaukee Bucks, 99-83 at iginupo ng Charlotte Bobcats ang Minnesota Timberwolves, 104-95.
- Latest