^

PSN Palaro

5TH DELeague pakakawalan sa Linggo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat na koponan ang magrarambulan para sa kanilang unang panalo sa paglarga ng 5th DELeague basketball tournament sa Linggo sa Basketball Covered Court sa Marikina Sports Center.

Unang magsasalpukan ang Hob Bihon-Cars Unlimited at Mindanao Agilas sa ganap na alas-5 ng hapon bago sundan ng tagisan ng Macway Travel at Austen Morris Associates (AMA) sa alas-6 ng gabi.

Isang simpleng ope­ning ceremony ang mangyayari sa alas-4 ng hapon at pangunahing bisita rito ay si Marikina Mayor Del de Guzman na siyang organizer din ng palaro.

“Sa loob ng nakaraang apat na taon ay naging matagumpay ang ligang ito dahil sa suporta ng mga manonood, sponsor at mga tao sa likod ng DELea­gue basketball tournament. Naniniwala tayo na sa pamamagitan ng ligang ito ay maraming kabataan ang mahihimok na maglaro ng basketball at lumayo sa masasamang bisyo,” wika ni De Guzman.

Ang mga kasali ay hinati sa dalawang grupo at nasa Group A ang Hobo Bihon-Cars Unlimited, Agilas, FEU-FERN, Our Lady of Fatima University at Metro Pacific Toll Corp-Tollways habang ang Macway Travel, Sta. Lucia Land, AMA, Philippine Christian University, Power Innovation Philippines at Philippine National Police ang nasa Group B.

Libre sa lahat ang u­nang araw ng kompetis­yon sa ligang sinusuportahan din ng PSBank, Accel Sportswear,  PCA–Marivalley, Mckie’s Construction Equipment Sales and Rentals at Luyong Panciteria.

vuukle comment

ACCEL SPORTSWEAR

ACIRC

ANG

AUSTEN MORRIS ASSOCIATES

BASKETBALL COVERED COURT

CONSTRUCTION EQUIPMENT SALES AND RENTALS

DE GUZMAN

GROUP A

GROUP B

HOB BIHON-CARS UNLIMITED

MACWAY TRAVEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with