^

PSN Palaro

Local teams ‘di patatalo sa dayuhang spikers

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sisikapin ng tatlong local teams na mabigyan ng magandang laban ang mga dayuhang katunggali sa gaganaping “Fit to Hit” Philippine Beach Volleyball Invitational mula Setyembre 25 hanggang 27.

Sina Bea Tan at Lindsey Dowd at Alexa Micek at Charo Soriano ang bubuo sa dalawang local teams habang isa pa ang tatapikin para ilaban sa mga bisita mula Malaysia, Hong Kong at New Zealand.

“We are doing this to promote beach volleyball in the country. That is the intention,” wika ni Ralph Roy, head ng Solar Sports nang dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon kasama ang mga manlalaro.

Ang Solar Sports ang organizer din sa tatlong araw na palaro at sinahugan ito ng $19,000.00 premyo.

Walong teams ang lalahok at ito ay hinati sa dalawang pangkat para sa group elimination upang madetermina ang mga maglalaro sa semifinals at finals.

Puspusan ang pagsasanay ng mga local players at kumbinsido na mabigyan ng matinding laban ang mga bibisitang manlalaro.

 

vuukle comment

ALEXA MICEK

ANG

ANG SOLAR SPORTS

CHARO SORIANO

HONG KONG

LINDSEY DOWD

NEW ZEALAND

PHILIPPINE BEACH VOLLEYBALL INVITATIONAL

RALPH ROY

SINA BEA TAN

SOLAR SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with