^

PSN Palaro

Pascua umaasa pa rin kay Furtado

Pilipino Star Ngayon

PHU LY, Vietnam – Nagtala lamang si  Brazilian import Rupia Inck Furtado ng 7 points sa loob ng isang oras at 14 minuto sa 13-25, 18-25, 11-25 kabiguan ng Petron sa 4.25 Sports Club of North Korea sa kanilang unang laro sa 2015 AVC Asian Women’s Club Championship sa Ha Nam Competition Hall.

Umaasa si coach George Pascua na makakahugot siya ng magandang laro kay Furtado sa kanilang pagharap sa Islamic Azad University ng Iran.

“We had to make some major adjustments in our rotation to maximize the attacking prowess of Rupia,” wika ni Pascua na naglipat kay Furtado sa open position.

Kasalukuyang nilalabanan ng Petron ang Iran ha­bang isinusulat ito at ang kabiguan ang lalo pang maglalagay sa kanila sa panganib.

Ang mga susunod na makakatapat ng Blaze Spikers ay ang mga bigating club teams na Zhejiang ng China sa Martes at ang reigning champion Hisamitsu Seikayu Springs ng Japan sa Miyerkules.

Kung mamalasin sila sa pool play sa Group B ay tuluyan nang mawawala ang tsansa ng Petron sa korona at maglalaglag sila sa labanan para sa pang-lima hanggang pang-siyam na puwesto.

vuukle comment

ANG

ASIAN WOMEN

BLAZE SPIKERS

CLUB CHAMPIONSHIP

FURTADO

GEORGE PASCUA

GROUP B

HA NAM COMPETITION HALL

HISAMITSU SEIKAYU SPRINGS

ISLAMIC AZAD UNIVERSITY

PETRON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with