^

PSN Palaro

Chism inilapit ang Painters sa bonus

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Lucena City)

5 p.m. Ginebra

vs Globalport

 

MANILA, Philippines - Kasabay ng pag-angkin sa kanilang ikalawang sunod na panalo ay pina­lakas ng Rain or Shine ang kanilang tsansa sa isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinal round.

Ito’y matapos talunin ng Elasto Painters ang sibak nang Blackwater Elite, 102-98, sa 2015 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ang panalo ng Rain or Shine ang nagtabla sa kanila sa nagdedepensang Purefoods at Talk ‘N Text para sa liderato.

“We still don’t have total control of our destiny. We still have to win on Sunday (against Kia),” sabi ni head coach Yeng Guiao sa ha­ngarin nilang makamit ang alinman sa No. 1 at No. 2 berth para masikwat ang ‘twice-to-beat’ bonus sa quarterfinals.

Kinuha ng Elite ang 20-18 abante sa first period bago lumamang ng walo, 28-20, mula sa basket ni Jerrick Canada.

Sa pangunguna ni import Wayne Chism, tuma­pos na may 30 points, 13 rebounds at 4 assists, kumamada ang Elasto Pain­ters sa sumunod na yugto para ilista ang 49-41 kalamangan sa pagbungad ng third quarter.

Saglit na nakadikit ang Blackwater, nalasap ang kanilang ikalawang dikit na kamalasan, sa 53-56 kasunod ang pinakawalang 14-2 atake ng Rain or Shine upang iposte ang 15-point lead, 70-55, sa huling 3:48 minuto nito.

Ang three-point shot ni Jonathan Uyloan ang nagbigay sa Elasto Pain­ters ng komportableng 98-84 abante sa huling 4:27 minuto ng final canto.

Pinangunahan ni naturalized center Marcus Douthit ang Elite sa kanyang 34 points, 19 boards at 8 assists.

Rain or Shine 102 - Chism 30, Lee 14, Belga 11, Tiu 10, Norwood 8, Tang 6, Quiñahan 5, Cruz Jericho 4, Almazan 4, Uyloan 3, Ibañes 2, Araña 2, Cruz Jervy 2, Chan 1, Teng 0.

Blackwater 98 - Douthit 34, Acuna 20, Heruela 15, Gamalinda 11, Reyes 6, Faundo 4, Canada 2, Rodriguez 2, Celiz 2, Bulawan 2, Erram 0, Ballesteros 0, Laure 0.

Quarterscores: 18-20; 46-41; 78-65; 102-98.

vuukle comment

BLACKWATER ELITE

CRUZ JERICHO

CRUZ JERVY

ELASTO PAIN

ELASTO PAINTERS

JERRICK CANADA

JONATHAN UYLOAN

LARO NGAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with