^

PSN Palaro

Smart muling susuportahan ang Prima Pasta Badminton

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling tutulong ang Smart para sa paglarga ng Smart-Prima Pasta Badminton Championship na magsisimula sa Pebrero 28 sa Power Smash sa Chino Roces Ave., sa Makati City.

Ito ang ikalawang sunod na taon na tutulong ang Smart dahil naniniwala sila sa mabuting idudulot ng kom­petisyon sa paghubog ng mga mahuhusay na badminton players.

“We are very proud once again be a part of this tournament. Last year, we saw the best of the best badminton players competing and we expect a bigger and better competition with innovations made this year,” wika ni Smart senior manager at sports marketing and special projects head Christopher Quimpo sa paglulunsad ng kompetisyon kahapon sa Melmac Center sa Quezon City.

Ang Smart ay pinangungunahan ni businessman/sportsman Manny V. Pangilinan at siya ay isang aktibong manlalaro ng badminton.

Nasa pagtitipon din ang pangulo ng Prima Pasta na si Alex Lim at nakikita niya na kayang higitan ang 1,500 manlalaro na sumali noong 2014 sa taong ito dahil mag­kakaroon din sa unang pagkakataon ng labanan sa 11-and-under sa boys at girls.

Ang tampok na tagisan ay nasa Open na kung saan lahat ng mga kasapi ng national pool ay maglalaro sa men’s at women’s singles, doubles at mixed doubles.

Si Gelita Castillo ay magbabalik para depensahan ang women’s title habang bagong kampeon ang makikita sa kalalakihan dahil ang 2014 champion na si Toby Gadi ay hindi sasali dahil nasa US siya ngayon.

vuukle comment

ALEX LIM

ANG SMART

CHINO ROCES AVE

CHRISTOPHER QUIMPO

MAKATI CITY

MANNY V

MELMAC CENTER

POWER SMASH

PRIMA PASTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with