^

PSN Palaro

Bullpups hihirit uli sa Eaglets

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)

2 p.m.  NU vs ADMU (Jrs finals)

MANILA, Philippines – Makadalawang  sunod na panalo sa Ateneo Eag­lets ang tangka ngayon ng inspiradong National University Bullpups sa pagpapatuloy ng 77th UAAP juniors basketball finals sa The Arena sa San Juan City.

Sa ganap na alas-2 ng hapon magsisimula ang bakbakan at sasandalan ng nagdedepensang kampeon Bullpups ang 76-72 panalo na nailista sa pagbubukas ng championship round noong Biyernes.

Ang panalo ay una sa ikatlong pagtutuos at higit dito ay tinapos ng NU ang 14-0 winning streak ng Eag­lets na ginawa sa double-round elimination.

Dahil sa maagang pag­sikat, ang Eaglets ay nagkaroon ng thrice-to-beat advantage na naglaho na dahil isang best-of-three series na ang tagisan.

“Bumalik  na ang kumpiyansa ng mga players na kaya nilang manalo sa Ateneo,”  wika ni NU coach Jeff Napa.

Itinaas ng beteranong si Mark Dyke ang antas ng paglalaro sa kinamadang 20 puntos, 17 rebounds at tatlong blocks habang umangat din sina John Clemente, Philip Manalang at Justine Baltazar para sa mahalagang panalo.

May 17 at 14 puntos sina Clemente at Manalang habang ang 6’6 center na si  Baltazar ay humablot ng 17 puntos at mayroon pang anim na blocks.

Dahil kina Dyke at Bal­tazar, dinomina ng NU ang rebounding, 66-48, tungo sa 25-6 kalamangan sa second chance points.

“Mark is Mark. Pero ang mahalaga ay may iba pang players na mag-step up. Kailangang higitan namin ang aming naipa­kita sa Game One dahil alam kong babangon ang Ateneo,” dagdag ni Napa.

Inaasahang mas relax na maglalaro ang Eaglets ngayon dahil wala na silang iniintinding sweep.

Ang kambal na sina Mike at Matt Nieto ang magdadala sa Eaglets matapos ang 25 at 19 puntos sa unang pagkikita.

Pero dapat na tumulong ngayon ang iba pang star­ters na sina Lorenzo Jason at Shaun Ildefonso na anak ng dating PBA MVP Danny Ildefonso, matapos ang mahinang apat na puntos na pinagsamang ambag sa koponan. (AT)

vuukle comment

ATENEO

ATENEO EAG

DAHIL

DANNY ILDEFONSO

GAME ONE

JEFF NAPA

JOHN CLEMENTE

JUSTINE BALTAZAR

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with