^

PSN Palaro

Cagayan sasagupa sa Hapee sa Finals

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Lunes

(The Arena,

San Juan City)

3 p.m. – Hapee

vs Cagayan (Finals)

 

MANILA, Philippines - Pinaulanan ng Caga­yan Rising Suns ng tres ang Cebuana Lhuillier Gems sa huling yugto upang ang naunang dikitang laro ay mauwi sa 103-85 panalo sa do-or-die semifinals game ng PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Si Abel Galliguez ay may dalawang triples, habang sina Don Trollano at Eric Salamat ay may tig-isa para pasiklabin ang 19-2 palitan tungo sa dominanteng pagtatapos.

Sa kabuuan, ang Rising Suns ay may 13 triples na naitala sa larong ito.

Bago ito ay nagpaka­wala ng magkasunod na triples si Allan Mangahas para idikit ang Gems sa tatlo, 82-79, sa huling 6:29 minuto ng labanan.

Ang 6-foot-7 top rookie pick na si Moala Tautuaa ang nangunang muli para sa Cagayan sa kanyang 22 puntos, 8 rebounds at 3 assists.

Si Adrian Celada ay nag­pasok ng 16 puntos at 8 boards, habang sina Trollano, Galliguez at Alex Austria ay may 14, 14 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Makakaharap ng Cagayan ang Hapee Fresh Fighters sa best-of-three championship series na bubuksan sa Lunes.

Matapos ang 25-all iskor sa first quarter, nanalasa ang Rising Suns sa sumunod na yugto at si Tautuaa ay may 12 puntos para itulak ang koponan sa 55-47 bentahe sa halftime.

Angat pa rin ang kopo­nang hindi natalo sa 11 laro sa elimination round sa pagtatapos ng third canto, 73-68, ngunit nakitaan ang Gems ng malakas na pani­mula para paniwalaan na may ibubuga pa ito.

Pero nanlamig naman ang  Gems sa sumunod na apat na minuto ng laro.

 

vuukle comment

ALEX AUSTRIA

ALLAN MANGAHAS

CEBUANA LHUILLIER GEMS

D-LEAGUE ASPIRANTS

DON TROLLANO

ERIC SALAMAT

HAPEE FRESH FIGHTERS

RISING SUNS

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with