^

PSN Palaro

Cone pararangalan sa PSA Annual Awards Night

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang bagay ang nakamit ni Tim Cone sa isang season na naging da­hilan para siya ay ma­ging katangi-tangi sa ibang magagaling na coaches sa Philippine Basketball Association (PBA).

 Ang 57-gulang na head coach ang naging most accomplished mentor sa 40-taong kasaysayan ng kauna-unahang play-for-pay league sa Asya matapos niyang higitan ang record ng ‘Maestro’ na si Virgilio ‘Baby’ Da­lupan.

Si Cone din ang naging tanging coach na nakapagta­la ng dalawang PBA Grand Slam.

Ang achievement na ito ni Cone ay hindi maaaring ba­lewalain ng Philippine Sportswriters Association (PSA) kaya bibigyan siya ng karangalang Excellence in Basketball  sa Annual Awards Night ng PSA na han­dog ng Milo sa Pebrero 16.

Si Cone ay isa lamang sa mga awardees na nag­pasikat noong nakaraang taon na kikilalanin ng pi­nakamatandang media or­ganization ng bansa sa gabi ng parangal na susu­portahan ng Philippine Sports Commission (PSC) bilang major partner katulong ang Philippine Basket­ball Association (PBA), Accel, Globalport at Rain or Shine.

Ang 1973 Philippine men’s team na nanalo sa  FIBA-Asia Men’s Cham­pionship ay parara­ngalan ng Lifetime Achievement Award.

“It’s only fitting for the PSA to recognize Tim Cone with the Excellence in Bas­ket­ball honor following the outstanding achievement he did in a memorable PBA season,” sabi ni PSA president Jun Lomibao ng Business Mirror.

vuukle comment

ANNUAL AWARDS NIGHT

ASIA MEN

BUSINESS MIRROR

GRAND SLAM

JUN LOMIBAO

LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD

SHY

SI CONE

TIM CONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with