^

PSN Palaro

PBA Yearender: 2014 taon ng San Mig at ni Cone

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bagama’t nakamit nila ang mahirap na PBA Grand Slam, hindi ito naging madali para sa San M­ig Coffee.

Bunga ng mga injury sa kanilang mahahalagang players bago magsimula ang 2013-2014 PBA Phi­lippine Cup ay nalugmok sa 0-3 karta ang Mixers sa pagsisimula ng kanilang kampanya mula sa mga kabiguan sa Ginebra, Alaska at Petron Blaze.

Isinara ng Mixers ang 2013 sa likod ng 3-5 bago tapusin ang elimination round bitbit ang 7-7 kartada para makapasok sa quarterfinals laban sa nagdedepensang Talk ‘N Text Tropang Texters.

Makaraang talunin ang Talk ‘N Text sa best-of-three quarterfinals series ay pinabagsak naman ng San Mig ang Ginebra sa kanilang best-of-seven semifinals showdown, 4-7, kung saan ang Game Se­­ven ay sinaksihan ng record-breaking na 24,886 crowd.

Tinalo ng Mixers ang Rain or Shine Elasto Pain­ters sa kanilang best-of-seven championship duel, 4-2, para angkinin ang PBA Philippine Cup.

Hinirang si point guard Mark Barroca bilang PBA Finals MVP.

Sa 2014 Commissio­ner’s Cup kung saan nila ipinarada si import James Mays, ipinoste ng San Mig Coffee ang 3-0 marka patungo sa quarterfinals kung saan nila binigo ang Alaska, 2-1, sa kanilang best-of-three wars.

Hindi naging madali para sa Mixers ang pag­harap sa determinadong Air21 Express.

Pinuwersa ng Air21 ang San Mig Coffee sa Game Five matapos manalo sa Game Four, 94-91.

Kumamada si two-time PBA Most Valuable Player James Yap ng 15 points para tulungan ang Mi­xers sa 99-83 pagsibak sa Express para labanan ang Tropang Texters sa Finals.

Makaraang tumabla ang Talk ‘N Text sa Game Two, 86-76, para itabla ang kanilang best-of-five title showdown ay bumangon ang San Mig Coffee nang sikwatin ang 77-75 panalo sa Game 3 buhat sa clutch corner shot ni Yap laban sa depensa ni Kelly Williams.

Tuluyan nang tinapos ng Mixers ang Tropang Texters sa Game 4 sa pamamagitan ng 100-91 tagumpay para sa kanilang ikatlong sunod na korona.

Ilang linggo bago ang pagsisimula ng 2014 PBA Governors’ Cup ay mu­ling kinuha ng Mixers sa ikatlong pagkakataon si reinforcement Marqus Blakely para idepensa ang kanilang titulo.

Nagtapos bilang No. 4 seed ang San Mig Coffee sa eliminasyon at nilaba­nan ang No. 5 San Miguel, nagdala ng ‘twice-to-beat’ advantage, sa quarterfinals.

Winalis ng Mixers ang Beermen sa kanilang dalawang laro para umabante sa pang-walong sunod nilang semis appea­rance.

Muli nilang nakasagupa ang Talk ‘N Text sa best-of-five semifinals series na kanilang pinagwagian sa Game Five, 93-87, para makapasok sa pang-apat na sunod nilang finals stint.

Sa kanilang best-of-five championship duel ay inu­ngusan ng San Mig Coffee si balik-import Arizona Reid at ang Rain or Shine, 4-2, para angkinin ang PBA Grand Slam crown.

Halos hindi makapaniwala si head coach Tim Cone na muli siyang makakakuha ng Grand Slam matapos sa Alaska noong 1996.

Dinuplika ng San Mig Coffee ang 13 PBA championship ng maalamat na Crispa Redmanizers para sa pagkakaroon ng pinakamaraming titulo sa liga.

Samantala, noong Agos­to 24 ay idinaos ang 2014 PBA Rookie Draft sa Robinsons Place Manila sa Ermita.

Kagaya ng dapat asahan, hinirang ng expansion team na Kia si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao bilang No. 11 overall pick, habang hinugot ng Globalport si Fil-Am point guard Stanley Pringle bilang No. 1 overall selection.

Maliban sa Kia, pumasok rin ang Blackwater bilang bagong miyembro ng professional league para sa kabuuang 12 koponan.

vuukle comment

GAME FIVE

GRAND SLAM

KANILANG

N TEXT

PARA

PBA

SAN

SAN MIG COFFEE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with