^

PSN Palaro

Boxing yearender matagumpay ang pagbabalik ni Pacquiao

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines –  Dalawang walang ta­long boksingero ang lumasap ng kabiguan sa kamay ni Manny Pacquiao para ianunsyo ng Pambansang Kamao ang pagbabalik ng mabangis na porma sa 2014.

Si Timothy Bradley na siyang tumapos sa 15-fight winning streak ni Pacquiao nang angkinin ang kontrobersyal na split decision  noong 2012, at ang 5’10 na si Chris Algieri ang siyang mga itinapat kay Pacman at inakalang mabibigyan ng matinding laban, bagay na hindi nangyari dahil pareho silang lumasap ng unanimous decision na pagkatalo.

Noong Abril 12 ginawa ang ikalawang pagkikita nina Pacquiao at Bradley at ibang Pacquiao ang tumambad sa ngayon ay WBO welterweight champion dahil naroroon ang kinatatakutang mabibilis na galaw at lakas sa pagsuntok sa magkabilang kamao para magwakas ang 31 sunod na panalo ng US boxer.

Nakumbinsi ang Top Rank na bigyan ng pagka­kataon si Algieri matapos bumangon mula sa dalawang knockdown at lumaban ng pikit ang isang mata tungo sa split decision panalo kay Ruslan Provodnikov.

Mas matangkad ng halos apat na pulgada si Algieri kay Pacquiao na idedepensa ang kanyang WBO welterweight title sa bakbakan.

Ginawa ito sa Macau noong Nobyembre 23 pero ang inasahang magandang labanan ay naging palabas lamang ni Pacquiao dahil anim na beses niyang pinabagsak si Algieri sa kanilang laban.

Sa tindi ng ginawa ng Kongresista ng Sarangani Province, ang mga iskor ng tatlong hurado ay nasa 119-103, 119-103 at 120-102.

Matapos ang labang ito ay umugong uli ang pana­wagan na magkaharap na sina Pacquiao at ang walang talo at pound-for-pound king na si Floyd Mayweather Jr.

Lumakas ang paniniwalang magaganap na ito nang mismong si Mayweather ang nagsabing gusto niyang makaharap si Pacquiao at dapat na mangyari ito sa Mayo 2.

Wala pang pinal sa usapin pero kung masel­yuhan ito, hindi malayong mangyari kay Mayweather ang nalasap nina Bradley at Algieri na tinanggap ang kanilang kauna-unahang pagkatalo sa kanilang career. (AT)

vuukle comment

ALGIERI

BRADLEY

CHRIS ALGIERI

FLOYD MAYWEATHER JR.

MAYWEATHER

NOONG ABRIL

PACQUIAO

PAMBANSANG KAMAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with