^

PSN Palaro

Azkals gustong makauna sa Thais

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mahalagang panalo ang pakay ngayon ng Azkals sa pagharap sa Thailand sa pagsisimula ng dalawang laro sa kanilang 2014 AFF Suzuki Cup semifinals na gagawin sa Rizal Memorial Football field.

Sa ganap na alas-8 ng gabi magsisimula ang tagisan at hindi pa man batid kung magkakaroon ng pag-ulan na hatid ng Bagyong Ruby, isa lang ang tiyak, ang kahandaan na magpakita ng maalab na laro ng home team para lu­­mapit ng isang hakbang patungo sa makasaysayang pagtapak sa finals ng kompetisyon.

Ang ikalawang laro ay gagawin sa Thailand sa Dis­yembre 10 at ang mananalo ang siyang makakalaban ng magwawagi sa Vietnam at Singapore na tagisan

Ito ang ikatlong sunod na pagkakataon na nasa semifinals ang Pilipinas pero hindi pa nagagawa ng Azkals ang umabante sa championship round.

“The players wrote some history over the past ten months and they are not done yet,” may kumpiyansangsinabi  ni Azkals coach Thomas Dooley.

Ang huling makasaysayang panalo ng nationals ay naitala laban sa Indonesia sa Group elimination ng Suzuki Cup (4-0) para wakasan ang 80 taon na hindi nananalo ang bansa.

Ang Thailand ay hindi pa rin tinatalo ng Pilipinas mula noong 1971 at ito ang balak tapusin ng Azkals.

Si Phil Younghusband na may dalawang goals na sa torneo at itinutulak para maging best player ng torneo, ang magdadala sa laban ng host country.

Hindi makakasama ng koponan si Fil-German goal keeper Ronald Muller pero inaasahang handa si Patrick Deyto na balikatin ang depensa tungo sa mahalagang panalo.

Hiniling ni team manager Dan Palami ang mga ma­no­nood ng laro na magsuot ng puti para iparamdam sa katunggali ang nag-iisang layunin ng Sambayanang Pilipino na hiyain ang bisitang koponan na kilala ang husay sa football sa rehiyon.

Ang larong ito ay mapapanood ng live mula alas-7:30 ng gabi sa ABS-CBN Sports+Action. (ATan)

vuukle comment

ANG THAILAND

AZKALS

BAGYONG RUBY

DAN PALAMI

PATRICK DEYTO

PILIPINAS

RIZAL MEMORIAL FOOTBALL

RONALD MULLER

SUZUKI CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with