^

PSN Palaro

Del Rosario, Rivera kumakasa pa sa Poland

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumakas ang pag-asa nina Liza del Rosario at Engelberto “Biboy” Rivera na mapasama sa Top 24 matapos magpakita ng magandang laro sa QubicaAMF Bowling Cup sa Sky Bowling Center sa Wroclaw, Poland.

Nagpagulong si Del Rosario ng five-game series na 1126 pinfalls at nagtala naman si Rivera, dating world FIQ champion na naglalaro sa kanyang ikatlong international finals sa nasabing individual kegfest, ng 1128 para upuan ang second at third places, ayon sa pagkakasunod.

Pumangalawa si  Del Rosario, dating world trios titlist, sa women’s division sa kanyang 15-game total na 3430 para sa 228.67 average sa ilalim ni Brittni Hamilton ng United States na abante ng 22 pins.

Nasa ikatlo naman si Rivera sa men’s class sa kanyang 3458 sa 15 games. Si Tobias Bording ng Germany ang nangunguna sa kanyang 3677 kasunod si Mykhaylo Kalika (3475) ng Ukraine.

Ang mga natitirang contenders mula sa 70 bansa ang maglalaban para sa  top eight spots kung saan ang top three bowlers ang aabante sa top three na mag-a­agawan sa korona.

vuukle comment

BIBOY

BOWLING CUP

BRITTNI HAMILTON

DEL ROSARIO

MYKHAYLO KALIKA

RIVERA

SI TOBIAS BORDING

SKY BOWLING CENTER

UNITED STATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with