^

PSN Palaro

Gilas lumabo ang tsansa para sa medalya: Bronze mula sa archery

Beth Repizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon

INCHEON, Korea -- Nasa target si Paul Marton dela Cruz para bigyan ng bronze medal sa men’s compound individual ang Team Pilipinas na inaabot pa rin ng kamalasan sa ibang sports na idinadaos sa Asian Games dito.

Matatag ang pulso ni Dela Cruz sa hamon ni Muhammad Zaki Bin Mahazan ng Malaysia upang angkinin ang 140-139 panalo sa battle-for third place na ginawa sa Gyeyang Archery field.

Dalawa sana ang bronze medal ng Pilipinas pero nabi­go sina Dela Cruz, Earl Benjamin Yap at Ian Chipeco laban sa Iran, 224-227, sa bronze medal match sa team competition.

Lalabas ang Pilipinas ngayon na may dalawang pilak at dalawang tansong medalya.

Ang naunang tatlong medalya ay galing sa wushu kung saan sina Daniel Parantac at Jean Claude Saclag ay nanalo ng pilak at si Francisco Solis ang unang nag-ambag ng tansong medalya.

Patuloy naman ang sakit ng loob na nararanasan ng iba pang manlalaro ng Pilipinas at ang pinakamapait ay ang 97-95 pagkatalo ng naunang inasahan sa ginto na Gilas Pilipinas na nalasap laban sa host Korea sa men’s basketball competition.

Ito ang ikalawang sunod na pagyuko ng Pamban­sang koponan sa quarterfinals at ikatlong dikit sa pangkalahatan na nagpalabo sa kanilang pagpasok sa semifinal round.

Bigo rin ang siklistang si Mark Galedo sa 42-kilometer Individual Time Trial race nang malagay lamang sa ika-13 puwesto.

Hindi rin napangalagaan ng Fil-Am netters na sina Ruben Gonzales at Treat Huey ang pagiging second seed sa men’s doubles sa tennis nang sibakin ng eight seeds at home town bets na sina Yongkyu Lim at Hyeon Chung, 0-6, 3-6.

Sinundan naman nina Josie Gabuco at Nesthy Petecio ang magandang ipinakikita ng men’s boxing team nang manalo sa pambungad na laro sa women’s boxing flyweight at lightweight divisions.

Tinalo ni Gabuco si Lin Yu Ting ng Chinese-Taipei, ha­bang binigo ni Petecio si Gulzhaina Ubbihiyazova.

vuukle comment

ASIAN GAMES

DANIEL PARANTAC

DELA CRUZ

EARL BENJAMIN YAP

FRANCISCO SOLIS

GILAS PILIPINAS

GULZHAINA UBBIHIYAZOVA

GYEYANG ARCHERY

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with