^

PSN Palaro

Myanmar may tiket na sa Finals

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inokupahan ng Myanmar ang unang puwesto sa Finals sa 2014 Peace Cup sa kumbinsidong 4-1 panalo sa Palestine sa pagsisimula ng aksyon kahapon sa Rizal Memorial Football pitch.

Nagpasikat si Kyaw Zayar Win nang nagpakawala siya ng dalawang goals sa 26th at 49th minute habang ang mga kakamping sina Tin Win Aung at Nanda Lin Kyaw Chit ay naghatid ng tig-isang goal sa 38th at  71st minute.

Hindi nangyari ang inakalang kawalan ng iskor ng Palestine dahil naka­lusot ng goal si Ahmed Wridat sa 87th minute.

Namuro naman ang Azkals na siyang makalaban ng Myanmar para sa titulo nang hawakan ang 2-0 abante sa Chinese Taipei bago itinigil ang laro matapos ang 57 minutong paglalaro dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan na sinabayan ng pagkakaroon ng matatalim na kidlat.

Kinolekta ni Rob Gier ang kanyang kauna-una­hang international goal sa 24th minute bago ibinigay ni James Younghusband ang 2-0 kalamangan sa first half nang nakumpleto ang magandang assist ni Misagh Bahadoran sa 37th minute.

Ang championship game ay gagawin sa Sa­bado dakong alas-7 ng gabi. Mauunang pag­lalabanan ang ikatlong puwesto sa hanay ng Palestine at ang matatalo sa Pilipinas at Chinese Taipei. (AT)

vuukle comment

AHMED WRIDAT

CHINESE TAIPEI

JAMES YOUNGHUSBAND

KYAW ZAYAR WIN

MISAGH BAHADORAN

MYANMAR

NANDA LIN KYAW CHIT

PEACE CUP

RIZAL MEMORIAL FOOTBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with