^

PSN Palaro

4 teams tiniyak na ang paglahok sa PBA D-League

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat na koponan ang nagkumpirma na ng ka­ni­lang pagsali sa 2015 PBA D-League Aspirants’ Cup na magsisimula sa Oktubre 27.

Babalik ang Café France at Jumbo Plastic Linoleum habang sasali uli ang nagpahinga sa Foundation Cup na Wangs Basketball para samahan ang baguhang Racal Motor sales Corporation.

Ang datihang Cebuana Lhuillier at Boracay Rum ang nagpasabi na sasali uli habang ang bagong koponan sa PBA na Kia Motors/M. Pacquiao ay nagbabalak din na bumuo ng hiwalay na koponan.

Tataas ang interes na sumali sa liga dahil maipapalabas ang mga laro sa IBC 13.

Ang six-time cham­pion NLEX Road Warriors at Blackwater Sports ay umakyat na sa PBA para matiyak na ‘wide open’ ang labanan para sa titulo sa pambungad  na confe­rence ng liga sa susunod na taon.

Sinabi naman ni PBA commissioner Chito Salud na sa Hulyo 30 ang huling araw para magsumite ng Letter of Intent ang mga kumpanyang nais na su­mali sa liga.

Sa Setyembre 1 naman itinakda ang pagbayad ng tournament fee.

Binanggit pa ni Salud na ang Rookie Draft ay gagawin sa Setyembre 16 kaya ang deadline para a Fil-foreign players na gustong pumasok ay sa Agosto 22 habang sa Agosto 28 ang deadline sa mga Filipino players.

Ang mga koponan na may tambalan sa mga school teams ay dapat na isumite sa pamunuan ng liga ang kanilang rookies hanggang Setyembre 4 para malaman ang kanilang drafting order.

 

vuukle comment

AGOSTO

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM

CEBUANA LHUILLIER

CHITO SALUD

D-LEAGUE ASPIRANTS

FOUNDATION CUP

JUMBO PLASTIC LINOLEUM

KIA MOTORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with