Kvitova nagreyna sa Wimbledon
LONDON — Iginupo ni Petra Kvitova si Eugenie Bouchard 6-3, 6-0, sa halos isang oras para angkinin ang Wimbledon sa ikalawang pagkakataon.
Ganap na dinomina ng Czech left-hander ang 20-anyos na Canadian na si Bouchard, naglaro sa una niyang major final, mula sa kanyang malalaking serves, agresibong returns at groundstrokes.
Nauna nang nagreyna si Kvitova sa Wimbledon noong 2011.
Umiskor din si Kvitova ng mga baseline winners na gumitla kay Bouchard.
Naipanalo ni Kvitova ang huling pitong laro, tampok dito ang isang cross-court backhand.
Si Bouchard ang unang Canadian na nakapasok sa Grand Slam final.
Ipinangalan siya kay Princess Eugenie ng Britain, ang apo ni Queen Elizabeth II.
- Latest