^

PSN Palaro

Azkals pasok sa Finals ng AFC Challenge Cup

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi nagpadaig ang puso ng mga Azkals sa ma­init na suporta ng manonood sa Maldives nang kunin ang 3-2 panalo sa extra time sa AFC Challenge Cup semifinals noong Miyerkules ng madaling araw sa National Football Stadium, Maldives.

Nasa tamang puwesto si Chris Greatwich nang makuha ang bola malapit sa goal para sa winning shot sa 104 minuto ng laro.

Lamang sa kabuuan ng labanan ang Pilipinas at unang umiskor si Phil Young­husband matapos lamang ang 19th minuto ng laro.

Naitabla ni Mohammad Umair ang iskor sa 36th mi­nuto pero dalawang minuto matapos nito ay na­kakawala ng goal si Jerry Lucena para bigyan ang dayong koponan ng 2-1 kalamangan sa first half.

Naging agresibo ang Maldives na kilala sa tagu­ring Red Snappers at sa 66th minuto ay nagawang itabla ang laro sa goal ni Assadhula Abdulla.

Nanatiling tabla ang laro hanggang sa regulation para mangailangan ng extra time at si Greatwich ay nagawang sipain ang bola na tumalbog matapos ang sablay na attempt ni Patrick Reichelt para sa tagumpay.

“When you play and believe in it, you will be successful,” ani  German/American coach Thomas Dooley.

Nahigitan ng koponan ang dating pinakamataas na pagtatapos sa kompetisyon na ikatlong puwesto noong 2012 sa pagmamando ni German mentor Hans Michael Weiss.

Sa Mayo 30 sa ganap na alas-9 ng gabi Maldives time gagawin ang one-game finals sa pagitan ng Pilipinas at Palestine na tinalo ang Afghanistan, 2-0, sa isa pang semis.

Maganda ang tsansa ng Azkals na makuha ang kauna-unahang titulo sa Challenge Cup sa ikatlong pagkakataon na nakasali sa kompetisyon dahil tinalo nila ang Palestine sa battle-for-third place noong 2012 sa 4-3 iskor.

Ang hihiranging kampeon sa kompetisyon ang siyang aabante sa Asian Cup sa 2015.

vuukle comment

ASIAN CUP

ASSADHULA ABDULLA

AZKALS

CHALLENGE CUP

CHRIS GREATWICH

HANS MICHAEL WEISS

JERRY LUCENA

MALDIVES

MOHAMMAD UMAIR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with