^

PSN Palaro

Petron Spikers tangka ang ika-2 dikit na panalo vs Cagayan Valley

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Cuneta Astrodome)

2 pm  Generika-Army vs PLDT Home (Women’s)

4 pm  Cagayan Valley vs Petron (Women’s)

6 pm  PLDT Home vs Systema (Men’s)

 

 

MANILA, Philippines - Pagtatangkaan ng Pet­ron HD Spikers ang ikala­wang sunod na panalo habang magandang panimula sa hangaring ikatlong sunod na titulo ang nais ng Philippine Army-Generika Drugstore sa 2014 PLDT Home DSL-Philippine Super Liga (PSL) ngayon sa Cuneta As­trodome sa Pasay City.

Kalaban ng HD Spi­kers ang minamalas na Cagayan Valley Lady Rising Suns sa ikalawang laro na magsisi­mula matapos ang pagtutuos ng Lady Troopers at PLDT Home TVolution Power Attackers sa ganap na alas-2 ng hapon.

Magbubukas din ng kam­panya ang PLDT Ho­me TVolution sa kalala­ki­han kontra sa Systema na siyang huling laro dakong alas-6 ng gabi.

Pinabagsak ng Petron ang PLDT sa unang asignatura, 25-27, 25-23, 19-25, 26-25, 15-10, matapos magpasikat ang top pick sa rookie draft na si Dindin Santiago.

Ang 6’2 na si Santiago ay tumapos taglay ang 37 puntos at siya ngayonang may hawak ng scoring record sa ligang inorganisa ng Score katuwang ang PLDT My DSL at may ayuda pa ng Mikasa, Asics, Mueller Tapes, Jinling Sports Equipment, LGR, Bench at Healthway Medical.

Tiyak na depensa ang ipantatapat ng Lady Rising Suns pero kailangan din nilang makitaan ng magandang opensa para mapigil ang dalawang sunod na pagkatalo sa liga.

vuukle comment

CAGAYAN VALLEY

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

CUNETA AS

CUNETA ASTRODOME

DINDIN SANTIAGO

HEALTHWAY MEDICAL

JINLING SPORTS EQUIPMENT

LADY RISING SUNS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with