^

PSN Palaro

PSL at Solar muling magtatambal para sa Super Liga tournaments

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang Solar Sports ang mu­ling tatayong official broadcast partner ng Pilipinas Super Liga (PSL).

Ayon kay Ramon 'Tats' Su­zara, ang PSL president at pinuno ng nag-o­organisang Score, isasa­ere ng Solar Sports ang mga aksyon PSL 2014 All-Filipino Conference, mag­sisimula sa Mayo 16 sa Cuneta Astrodome, sa lahat ng Solar Sports cable channels.

Ang Solar Sports ay ma­papanood sa Sky Cable (Ch.70), Des­tiny Cable (Ch.35), Cignal (Ch.55) at Cablelink (Ch.58).

Sinabi ni Suzara, ang ika­lawang sunod na pakiki­pagtambal ng PSL sa Solar Sports, pinangungunahan ng presidente nitong sina Wilson Y. Tieng at chairman at CEO William Y. Tieng,  ay angkop sa pagpapalakas ng premier club league na patuloy na humahakot ng mga fans na naghahanap ng mga top-level volleyball action na nasa tema ng PSL na "Ito ang Volleyball!"

Libre sa publiko ang pag­bubukas ng PSL sa Mayo 16.

Ang mga tiket ay makukuha ng libre sa Score of­fice, Unit 220, Vito Cruz To­wer 1, 720 Vito Cruz sa Ma­late Manila (sa harap ng Philippine Sports Commission building sa Rizal Me­morial Sports Complex).

Ang mga interesadong fans ay puwedeng tu­mawag sa 3533935 at ha­napin si Angel para sa mga tiket.

Ang two-conference champion na Philippine Army, ibabandera ang pa­ngalan ng Generika Drugstore, ang inaasahang lalaban para sa korona.

Hindi naman magpapa­huli sa Lady Troopers ang Cignal HD Spikers.

Pinayukod ng Lady Troopers ang HD Sipkers sa kanilang paghaharap sa nakaraang Invitational at Grand Prix Finals.

Ang bagong koponang AirAsia Flying Spikers, ita­tampok si two-time UAAP MVP Abby Maraño at ang kan­yang mga La Salle teammates, ay sinasabing isang title contender.

Sinasabi namang ha­ha­mon din sa Lady Troo­pers, HD Spikers at Flying Spi­kers ang RC Cola-Air Force Raiders.

Posible ring magbigay ng magandang laban ang PLDT Power Attackers, Ca­gayan Valley Lady Ri­sing Suns at ang Systema Active Smashers.

Itatampok naman ng Petron Blaze Spikers si top pick Din-Din Santiago.

Sa men's division ay paparada ang Cignal, PLDT-Air Force, Instituto Estetica Ma­nila, Systema at ang UP Alum­ni Team.

vuukle comment

ABBY MARA

AIR FORCE

ALL-FILIPINO CONFERENCE

ANG SOLAR SPORTS

CIGNAL

COLA-AIR FORCE RAIDERS

LADY TROOPERS

SHY

SOLAR SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with