^

PSN Palaro

Mega fight para kay Pacquiao, niluluto nina Arum at Dela Hoya

AMBETHABOL - Maribeth Repizo Merana - Pilipino Star Ngayon

Super Mega Fight.

Ito ang deskripsyon ng laban, sakaling matuloy, ang niluluto nina Bob Arum ng Top Rank Promotions at Oscar De La Hoya ng  Golden Boy Promotions.

Plano ng dalawang top promoters na pagharapin sa ring si Manny Pacquiao at ang top star ng Golden Boy na si Saul “Canelo” Alvarez.

Para kay Dela Hoya kahit ano ay possible.

Ito ang dahilan kaya gusto nang makipagkasundo ni Dela Hoya sa kanyang karibal na si Arum.

Lalabanan ni Alvarez si Erislandy Lara ng Cuba sa Hulyo 12 sa isang 154-pound bout sa MGM Grand sa Las Vegas, pero gusto niyang magkaroon sana  ng laban bago pa matapos ang taon. 

Si Pacquiao naman, makaraan ang laban kay Ti­mothy Bradley, Jr. noong Abril 12 sa MGM ay nagnanais sana ng isa pang laban sa huling yugto ng taong 2014.

Matatandaang ilang beses nang lumaban ang World Boxing Organization (WBO) welterweight champion na si Pacquiao sa 154 pounds division.

 Marami na ang napabalitang mga pangalan na susunod na labanan ni Pacquio.

Kabilang dito sina Shawn Porter, Ruslan Provodnikov, ang dalawang dating sparring partners ni Pac­quiao na naging mga kampeon na rin, bukod pa kina Briton Amir Khan at Kell Brooks at dating world title­holder Adrien Broner.

Si Juan Manuel Marquez na naunang uma­yaw sa pakikipaglaban mu­li kay Pacquiao sa ika­-limang pagkakataon ay tila gusto na ring sumali sa listahang ito. 

Pero kinakailangan ni­ya munang talunin si Mike Alvarado sa Mayo 17 para makumbinsi si Arum na makalaban si Pac­quiao.

Maging si Arum ay han­da ring makipag-usap kay Dela Hoya basta’t tung­kol sa posibilidad ng laban ng dalawang boksingero. 

Pero, ayon sa mga ba­lita, si Dela Hoya ay la­labas pa lamang ng rehab makaraang magkaroon ng mga personal na isyu noong nakaraang taon.

Kung matutuloy  ang la­ban nina Pacquiao at Al­varez ay siguradong ito ang magiging isa sa pi­­nakamala­king laban nga­yong taon para kay Pac­quiao.

vuukle comment

ADRIEN BRONER

ALVAREZ

BOB ARUM

BRITON AMIR KHAN

DELA HOYA

ERISLANDY LARA

GOLDEN BOY

PACQUIAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with