^

PSN Palaro

Petron Blaze Spikers top pick sa PSL Draft

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang Petron Blaze Spi­kers ang magpapangalan sa first pick sa lottery para sa kauna-unahang Phi­lippine Super Liga (PSL) Draft na idaraos bukas sa NBA Café sa SM Aura, Taguig City.

Kabuuang 26 na pa­ngu­nahing unsigned volleybelles ang maaaring kunin para sa protected nine players ng bawat koponan na lalahok sa premier volleyball club tournament.

Ang PSL Draft ay idaraos sa alas-2 ng hapon.

Naniniwala ang Lady Blaze Spikers, kinakata­wan nina team manager Monch Cruz at assistant coach Shaq de los Santos, na magkakaroon sila ng magandang kampanya sa paghugot sa mga biga­ting players na naglaro sa katatapos na collegiate women’s volleyball wars.

Ang bagong prangki­sang  Air Asia-Zes ang hu­hugot sa second pick kasunod ang RC Cola, Caga­yan Valley, PLDT MyDSL, Cignal at Philippine Army, ngayon ay dadalhin ang Generica Pharmaceuticals na kinakatawan ni team manager Claire Carlos.

Hindi na pakakawalan ng Petron, ang pumangatlo sa inaugural PSL invitational at pang-lima sa import-laced PSL Grand Prix noong nakaraang taon, si National University stalwart Aleona Denise Santiago.

Target naman ng Air Asia Zest, kinabibilangan nina dating De La Salle University Lady Spikers Michele Gumabao, Melissa Gohing, Stephanie Mercado at Cha Cruz,  si da­ting two-time UAAP MVP Abigail Maraño.

Sina PSL chairman Phi­lip Ella Juico, Commissioner Ian Laurel at Sportscore chairman Ariel Paredes ang makakasama ni PSL President Ramon Suzara sa pamamahala sa Draft matapos ang matagumpay nilang inaugural year.

Magsisimula ang PSL All-Filipino Confe­rence sa Mayo 10 sa Ultra sa Pasig.

 

vuukle comment

ABIGAIL MARA

AIR ASIA ZEST

AIR ASIA-ZES

ALEONA DENISE SANTIAGO

ALL-FILIPINO CONFE

ANG PETRON BLAZE SPI

ARIEL PAREDES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with