^

PSN Palaro

Cagayan Valley-1 pinataob ang Letran

Pilipino Star Ngayon

STA.ANA, Cagayan, Philippines - --Binanderahan ni dating collegiate standout Angeli Tabaquero ang Cagayan Valley-1 katuwang si San Beda partner Janine Marciano sa 21-10 paggupo sa Letran tandem nina Monique Joy Pablo at Ethel Macasaet sa pagsisimula ng  first leg ng 2014 Petron Ladies’ Beach Volleyball Tournament sa Anguib beach.

“Naninibago pa ako. Iba kasi ang feeling dahil bumalik ako sa outdoor,” sabi ng 24-anyos na si Tabaquero.

Nakahugot ang Cagayan Valley-1 ng 4 points mula sa atake ni Tabaquero na nagbigay sa Rising Suns ng 11-5 abante mula sa dikitang 4-3 lead.

Nagtayo ang Caga­yan Valley-1 ng 11-point lead, 18-7, at hindi na nilingon pa ang Letran.

Nagtulong naman sina Judy Ann Caballejo Iari Yongco para sa 21-17 panalo ng Air Force-1 laban kina Alyanna Marie Gorospe at Justyn Mae Tadeo ng Philippine National Police.

Sina Tabaquero at Caballejo ang mga dating kamador ng University of Sto. Tomas.

Dalawang beses na nakaiskor si Caballejo mula sa kanyang spikes parailayo ang Air-Force-1 sa PNP matapos magtabla sa 15-15.

Umiskor din ng panalo para sa Cagayan Valley-2 sina Paulina Soriano at Leuseth Dawis na pinadapa sina Perpetual Help-2 bets Abigail Nuval at Hyrize Macabuhay.

vuukle comment

ABIGAIL NUVAL

AIR FORCE

ALYANNA MARIE GOROSPE

ANGELI TABAQUERO

BEACH VOLLEYBALL TOURNAMENT

CABALLEJO

CAGAYAN VALLEY

ETHEL MACASAET

HYRIZE MACABUHAY

JANINE MARCIANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with