^

PSN Palaro

Jailhouse rock

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Bumisita si Manny Pacquiao sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC) nung Huwebes para magdulot ng inspirasyon para sa mga nananatili doon.

Nagdulot ng saya si Pacquiao sa mga bilanggo.  Kita mo sa kanyang mga mata ang magkahalong tuwa at lungkot na makita ang kanyang mga kapwa.

Nagsalita sa Bisaya si Pacquiao at binigyan ang mga bilanggo ng pag-asa.  Inakit niya ang mga ito na lalung mapalapit sa Diyos.

Masaya rin naman ang mga taga CPDRC sa pag­bisita ni Pacquiao.

Hinandugan nila ang sikat na boksingero ng ka­nilang sikat na sayaw.

Nakilala ang mga ito sa buong mundo nung 2007 nang lumabas ang kanilang video habang sumasayaw sila sa hit ni Michael Jackson na kanta na “Thriller.”

Kumalat ang video sa Youtube at naging tourist attraction sila.

Sa harap ni Pacquiao, kumanta rin ang “Dancing Inmates” ng “Para Sa’yo ang Laban na to” na pinasikat mismo ng boksingero.

Nagtayo rin ng boxing ring sa gitna ng open area at nagkaroon ng tatlong laban habang nanonood si Pacquiao sa itaas.

Masaya ang araw na natapos sa isang pangako mula kay Pacquiao na susuportahan niya ang mga pro­yekto ng mga bilanggo.

Nais din niyang magpatayo ng mas magandang boxing ring sa loob ng CPDRC.

Habang nagsasalita si Pacquiao ay nakatingala sa kanya ang daan-daang bilanggo.

Bakas din sa kanilang mga mata ang tuwa na ma­bisita ng kanilang idol na lalaban sa April 12 laban kay Timothy Bradley.

Para sa kanila rin ang laban na ‘to.

vuukle comment

CEBU PROVINCIAL DETENTION AND REHABILITATION CENTER

DANCING INMATES

MASAYA

MICHAEL JACKSON

PACQUIAO

PARA SA

TIMOTHY BRADLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with