^

PSN Palaro

Diretsong tres sa Batang Pier

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Dipolog City)

3:30 p.m. Meralco

vs Petron

 

MANILA, Philippines - Nasustina ng Globalport ang malakas na pag­lalaro upang kunin ang ikatlong sunod na panalo sa Alaska Aces, 94-84, sa PLDT MyDSL PBA Philippine Cup elimination kagabi sa SMART Araneta Coliseum.

Lumayo ng hanggang 21 puntos ang Batang Pier bago tinapatan ang ma­lakas na pagtatapos ng Aces para ipatikim sa katunggali ang ikalawang sunod na pagkatalo tungo sa 2-5 baraha.

“We were able to sustain our runs in the second half because we were able to hit big shots and execute very well down the stretch,” ani rookie coach Ritchie Ticzon.

Ang beteranong si Sol Mercado ay gumawa ng  26 puntos pero hindi nagpahuli ang mga mahuhusay na rookies na sina Terrence Romeo at RR Garcia para umangat sa 4-3 karta ang Batang Pier.

Si Romeo ay mayroong 21 puntos habang ang kasamahan niya sa FEU na si Garcia ay may 13, kasama ang mahalagang tres na nagpalamig sa rally ng Aces na dumikit sa 10, 85-75.

Naniniwala pa si Ticzon na may ilalabas pa ang batang koponan na pag-aari ni Mikee Romero.

“We don’t look at the record. We just want to play hard in all our games. We want to work hard and the wins will come to us,” ani  pa ni Ticzon na humugot pa ng pinagsamang 23 puntos kina Anthony Washington at Mark Yee.

Tumapos sii Jayvee Casio ng  28 puntos habang sina Sonny Thoss at Carlo Jazul ay naghatid pa ng 13 at 10 puntos para sa Aces.

Ngunit ramdam nila ang ‘di paglalaro ni Calvin Abueva bunga ng sprained ankle, nang kapusin ang paghahabol na ginawa ng koponan upang lasapin ang kabiguan. (ATan)

Globalport 94 - Mercado 26, Romeo 21, Washington 13, Garcia 13, Yee 10, Chua 3, Hayes 3, Lingganay 2, Nabong 2, Menk 1, Salva 0, Salvador 0.

Alaska 84 - Casio 28, Thoss 13, Jazul 10, Espinas 9, Baguio 8, Ramos 7, Exciminiano 6, Buenafe 3, Belasco 0, Dela Cruz 0, Hontiveros 0, Eman 0.

Quarterscores: 27-20, 55-35, 77-58, 94-84.

vuukle comment

ALASKA ACES

ANTHONY WASHINGTON

ARANETA COLISEUM

BATANG PIER

CALVIN ABUEVA

CARLO JAZUL

DELA CRUZ

DIPOLOG CITY

GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with