La Salle wagi sa NU
MANILA, Philippines - Nakita uli ang ipinagmaÂmalaking depensa ng La Salle upang ang inakalang klasikong laro laban sa National University ay nauwi sa 25-8, 25-22, 25-19, straight sets panalo sa 76th UAAP women’s volleyball kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Si Cydthealee DemeÂcillo ay may 13 puntos na kinatampukan ng tatlong blocks at apat na service aces para kunin ng Lady Archers ang ikatlong sunod na panalo.
May dalawang blocks pa si Victonara Galang para hawakan ng koponan ang 12-5 bentahe kahit ang Lady Bulldogs ay pinaÂngungunahan ng naglaÂlakihang sina Dindin at Jaja Santiago.
Kinalos din ng FEU ang UP, 25-19, 25-18, 25-17, para saluhan ang NU sa ikalawang puwesto (2-1) at ang Lady Maroons ay bumaba sa ikatlong sunod na pagkatalo.
- Latest

















