^

PSN Palaro

BASU sinibak ng Titans

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanatiling palaban ang Titans Baseball Club sa 1st PSC Chairman’s Cup Baseball Classic nang pabagsakin ang Bulacan Agricultural State University, 9-4, kahapon sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Sina Xander Razon, Jeff Rodriguez at Bryan Posturnak ay kumunekta para sa Titans na buma­ngon mula sa 1-11 pagka­talo sa National University noong nakaraang lingo.

Ito naman ang ikalawang pagkatalo ng BASU para mamaalam na sa 16-koponang liga na inorganisa ni PSC chairman Ricardo Garcia.

Nangibabaw naman ang La Salle Zobel  sa Throwbacks, 7-3, habang kuminang ang Philippine Air Force sa Dragons, 10-0, sa iba pang mga laro.

Ito ang ikalawang pagkalugmok ng Throwbacks at Dragons para masibak na rin.

Ang Bulacan State University ang kauna-unahang koponan na namaalam na nang tanggapin ang 2-15 pagkatalo sa dating UAAP champion UST noong Sabado.  

 

vuukle comment

ANG BULACAN STATE UNIVERSITY

BRYAN POSTURNAK

BULACAN AGRICULTURAL STATE UNIVERSITY

CUP BASEBALL CLASSIC

JEFF RODRIGUEZ

LA SALLE ZOBEL

NATIONAL UNIVERSITY

PHILIPPINE AIR FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with