^

PSN Palaro

Azkals babawian ang India

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng ma­gan­dang pagtatapos sa oversees training ng Azkals sa taong 2013 ang nais ng koponan sa pagbangga sa India ngayong gabi sa Kanchenjunga Stadium, India.

Sa ganap na alas-9:30 ng gabi itinakda ang laba­nan at magpupursigi ang national men’s football team na pawiin ang 4-0 shutout na pagkatalo sa United Arab Emirates noong Sabado ng gabi.

Lalakas ang Azkals da­hil maglalaro na si Fil-German Stephan Schrock para tumatag ang opensa ng koponan.

Ranked 137th ang Pilipinas habang 154th ang India, pakay ng dayong koponan na masundan ang 2-0 panalo sa Indiano na nangyari sa Challenge Cup noong nakaraang taon.

Ito ang ikalimang pagkikita ng dalawang bansa at angat ang India.

vuukle comment

AZKALS

CHALLENGE CUP

FIL-GERMAN STEPHAN SCHROCK

INDIANO

KANCHENJUNGA STADIUM

LALAKAS

MAGKAKAROON

UNITED ARAB EMIRATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with