^

PSN Palaro

Tiket sa Pacquiao-Rios fight 80% na ang naibenta

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa 80 percent na ang naibentang tiket sa laban nina Manny Pacquiao at Brandon Rios sa Nobyembre 23 sa Cotai Arena Venetian Resorts, Macau, China.

 Nasa bansa si Ed Tracy, CEO ng Venetian Resorts at siya ang naghatid ng magandang balita na ito.

Ang mga tiket na nalalabi ay ang mga mamahalin at nangangahulugan ito na tiyak na mapupuno ng mahihilig sa boxing ang laban na handog ng Top Rank Promotions.

Ang mga mamahaling tiket ay para sa mga dayuhan na gustong maglibang muna habang namamahinga matapos magsugal.

Ito ang unang pagkakataon na lalaban si Pacquiao sa Macau at suportado niya ang desisyon dahil sa pagtaas ng buwis na sinisingil sa America partikular ang Las Vegas.

 Nais ni fighting Congressman mula sa Sarangani na makabawi matapos ang dalawang sunod na pagkatalong nalasap mula  kina Timothy Bradley at Juan Manuel Marquez noong nakaraang  taon.

Sa tantiya ni Tracy mauubos ang lahat ng tiket sa linggo ng laban.

vuukle comment

BRANDON RIOS

COTAI ARENA VENETIAN RESORTS

ED TRACY

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

MACAU

TIMOTHY BRADLEY

TOP RANK PROMOTIONS

VENETIAN RESORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with