^

PSN Palaro

‘Suportahan na lang n’yo ako’ - Mikee

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiningi kahapon ni Mikee Cojuangco-Jaworski ang suporta ng lahat para maibangon ang antas ng palakasan sa bansa.

Dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kasama ang kanyang ama na si Phi­lippine Olympic Committee (POC) president Jose Cojuangco Jr., ipinagkibit-balikat ni Cojuangco-Jaworski  ang mga puna na siya ay bata pa o may nangyaring pa­lakasan kaya’t nanalo siya sa botohan para ma­ging IOC member sa Pilipinas.

“Everybody is entitled to their opinion. I just hope that they have the knowledge to make an intelligent opinion. Sana ay magtulungan na lamang tayo para umangat lahat dahil  ang ginagawa na­tin ay nagre-reflect sa ating bansa,” wika ni Cojuangco-Jaworski na siyang papalit sa puwestong iniwan ni Frank Elizalde.

Tiniyak din niya na ma­gagampanan niya ng maa­yos ang ibinigay na posisyon sa kanya ng IOC body na kung saan maninilbihan siya sa loob ng walong taon.

Plano niyang palalimim ang pakikipagkaibigan sa ibang IOC members para magkaroon ng pagkaka­taon na makita kung bakit matagumpay ang mga ito sa mundo ng palakasan.

Hindi naman niya puwedeng itulak sa IOC ang mga programang kailangan ng Pilipinas para umangat dahil ito ay isa sa ipinagbabawal sa ethics ng international body.

Sa panig ng nakatatandang Cojuangco, ang pagkapasok ng anak sa IOC ay patunay na kinikilala ng buong mundo ang presen­sya sa palakasan ng Pilipinas.

vuukle comment

COJUANGCO

COJUANGCO-JAWORSKI

DUMALO

FRANK ELIZALDE

JOSE COJUANGCO JR.

MIKEE COJUANGCO-JAWORSKI

OLYMPIC COMMITTEE

PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with