^

PSN Palaro

Bryant, Jordan darating sa Manila

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bukod kay LeBron Ja­mes, darating din sa bansa si Kobe Bryant sa Agosto at ito ay dahil sa Lenovo Mobile Philippines.

Si Bryant na manlalaro ng Los Angeles Lakers at makailang beses na ring bumisita sa Pilipinas ay nakakalendaryong bumalik sa Agosto 12.

Ang 34-anyos na 6’6 guard ay bagong endorser ng Lenovo Mobile.

“Kobe Bryant is coming back to Manila! Mark this date, August 12, 2013,” wika ng nakapost sa Facebook account ng Lenovo.

Kasama sa napa-post ang litrato ni Bryan at ang katagang “Walang Iwanan.”

Si Bryant na pinanguna­han ang NBA stars na  nagsagawa ng dalawang exhibition games noong 2011, ang ikatlong NBA superstar na bibisita sa Pilipinas.

Ang una ay si Lebron James na nasa bansa sa Hulyo 23 dahil sa Nike Phi­lippines habang si Derrick Rose ay tutungo sa Pilipinas mula Setyembre 14 hanggang 16 para sa D Rose Tour na handog naman ng Adidas.

May balitang si dating NBA star Michael Jordan ay binabalak ding dumating sa bansa sa pamamagitan ng ineendorsong Gatorade ngunit wala pang konkretong pahayag tungkol dito.

Bukod sa mga NBA stars, gagawin din sa Mall of Asia Arena ang kauna-una­hang NBA Pre-Season Game sa pagitan ng Houston Rockets at Indiana Pa­cers sa Oktubre at inaasahang ang mga bagay na ito ay lalo pang maglalapit sa mga Pinoy sa NBA.

vuukle comment

AGOSTO

BUKOD

D ROSE TOUR

DERRICK ROSE

HOUSTON ROCKETS

INDIANA PA

KOBE BRYANT

PILIPINAS

SI BRYANT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with