^

PSN Palaro

Henson, Cordero; Juico kabilang sa pinarangalan ng POC

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binigyan ng Philippine Olympic Committee ng pagkilala ang ilang perso­nalidad na nakatulong para bumangon  ang palakasan ng bansa sa isinagawang Olympic Day celebration sa University of Makati kahapon ng umaga.

Kasama sa kinilala ni POC president Jose Cojuangco Jr. ang mga manu­nulat sa sports ng The Phi­lippine Star na sina Joaquin Henson at Gilbert Sta. Maria Cordero na binigyan ng Sports for All awards.

Ang DSZR Sports Radio at si Felipe “Jun” Navarro III ng pahayagang Philippine Daily Inquirer ang mga ginawaran pa ni Cojuangco ng parangal sa hanay ng mga media.

Si dating PSC chairman at columnist din ng The Phi­lippine Star na si Philip Juico ay may parangal din katulad ng dating Pangulong Fidel Ramos at Bise Presidente Jejomar Binay at dating kinatawan ng IOC sa Pilipinas Frank Elizalde dahil sa kanilang walang sawang pagkalinga sa palakasan.

Si Binay ang siyang panauhing pandangal at sa kanyang pananalita ay hinimok niya ang kabataan na pumasok sa sports habang mga bata pa.

Si PSC chairman Ricardo Garcia ang nakatuwang ni Cojuangco sa pag-abot ng mga tropeo habang ang iba pang POC officials na nakiisa ay sina 1st Vice President Jose Romasanta at 2nd VP at Chief of Mission Jeff Tamayo.

vuukle comment

BISE PRESIDENTE JEJOMAR BINAY

CHIEF OF MISSION JEFF TAMAYO

COJUANGCO

GILBERT STA

JOAQUIN HENSON

JOSE COJUANGCO JR.

MARIA CORDERO

OLYMPIC DAY

PANGULONG FIDEL RAMOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with