^

PSN Palaro

24th Mitsubishi Lancer Netfest: Lim, Mendoza tandem namaalam na rin

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi napigil nina Alberto Lim at Jurence Mendoza na mag-error sa mahala­gang super tie-break upang lasapin ang 6-7(9), 6-1, 8-10, pagkatalo kina Sumit Nagal ng India at Trongcharoenchaikul ng Thailand sa 24th Mitsubishi Lancer International Junior Tennis Championships boys’ doubles kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.

Umangat na sa 8-5 sina Lim at Mendoza nang sumablay ang kanilang mga returns para makaba­ngon ang dayuhang ka­­­tunggali.

Si Trongcharoenchaikul na 93rd ranked player sa mundo ang siyang nagbi­gay ng panalo gamit ang ace at matikas na backhand.

Hindi naman masasa­bing sayang ang ipinakitang laban ng 13-anyos na si Lim at 16-anyos na si Mendoza dahil ito ang unang pagkakataon na nagtambal sila sa doubles.

Sa pagkatalong ito, tuluyang natapos na ang kam­panya ng dalawang junior netters ng Pilipinas dahil talsik na rin sila sa boys’ singles.

Si Lim ay sumuko kay 14th seed  Duck Hee Lee ng Korea, 6-7 (5), 6-7 (3), habang si Mendoza na ranked 54th sa mundo, ay natalo sa French qualifier na si  Alexandre Muller, 6-4, 3-6, 2-6, na nangyari noong Miyerkules.

 

vuukle comment

ALBERTO LIM

ALEXANDRE MULLER

DUCK HEE LEE

JURENCE MENDOZA

MENDOZA

MITSUBISHI LANCER INTERNATIONAL JUNIOR TENNIS CHAMPIONSHIPS

RIZAL MEMORIAL TENNIS CENTER

SHY

SI LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with