^

PSN Palaro

Title defense ni Nietes tuloy na sa Marso 2 vs Fuentes

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluy na tuloy na ang pag­kikita ng dalawang WBO champions na sina Donnie “Ahas” Nietes at Moises Fuentes ng Mexico sa Pilipinas.

Sa Marso 2 ikinasa ang tagisan at ang titulo ni Nietes sa light flyweight division ang paglalabanan.

Ang WBO president na si Paco Varcarcel ang  mismong naghayag ng nasabing laban at nakaka­lendaryo na ito sa kanilang website.

Si Nietes ang makaka­kuha ng taguri bilang unang world champion ng bansa na masasalang sa title fight pero hindi madali ito dahil si Fuentes ang kasalu­kuyang hari sa WBO minimumweight division, ang da­ting dinodomina ng Filipino fighter.

May 16-1 kasama ang 8 KOs ang 27-anyos na si Fuentes at sa huling pagdepensa sa minimumweight title noong Oktubre 6 ay kanyang pinatulog sa limang rounds ang da­ting world champion Ivan Calderon ng Puerto Rico.

Nagdesisyon si Fuentes na subukan ang kanyang tsansa kay Nietes na may 31 panalo sa 35 laban at 17 KO.

Ito ang lalabas na ika­apat na sunod na laban sa bansa at hangad niya ang kumbinsidong panalo para maipakita sa lahat na taglay ng 30-anyos na kampeon ang bangis ng magkabilang kamao na nasilayan noong nasa mas mababang timbang pa siya.

Nakuha ni Nietes ang light flyweight title nang talunin sa pamamagitan  ng unanimous decision ang dating kampeon Ramon Garcia Hirales ng Mexico noong Oktubre 8, 2011 sa La Salle Bacolod.

Naidepensa niya ang titulo noong Hunyo 2, 2012 laban sa isa pang Mexicano na si Felipe Salguero sa Resorts World Hotel sa pamamagitan ng unanimous decesion.

Sina Nonito Donaire (WBO super bantamweight), Brian Viloria (WBO/WBA flyweight) at Johnreil Casimero (IBF light flyweight) ang iba ang world champions sa ngayon ng bansa.

 

vuukle comment

BRIAN VILORIA

FELIPE SALGUERO

FUENTES

IVAN CALDERON

JOHNREIL CASIMERO

LA SALLE BACOLOD

MOISES FUENTES

NIETES

OKTUBRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with