^

PSN Palaro

Galedo, Valenzuela paborito sa 2013 LBC Ronda Pilipinas

JVillar - Pilipino Star Ngayon

ZAMBOANGA CITY, Philippines  -- Inaasahang aabangan sina 2012 champion Mark Ga­ledo at Irish Valenzuela pa­ra sa kanilang mga ko­po­nang Roadbike Philippines at LPGMA-American Vinyl sa pagpadyak ng 3rd LBC Ronda Pilipinas 2013 nga­yon tampok ang isang 132.2-kilometer Stage One na magsisimula dito at mag­tatapos sa Ipil sa Sibugay.

Paborito ang 27-an­yos na si Galedo para sa kan­yang ikalawang sunod na korona, habang ang 26-anyos na si Valenzu­ela ang sinasabing makaka­pigil sa kanya sa nasabing 16-leg, 21-day, 2,200-kilo­me­ter tour.

Ang cycling event ay may kabuuang premyong P7.5 milyon.

Sina Galedo at Valenzu­ela ay tumapos bilang No. 1 at No. 2 sa nakaraang edis­yon ng 15-lap race.

Ang napanalunan ni Galedo na P1 milyon no­ong nakaraang taon ay kan­­yang ginastos para sa ka­­nilang pagpapakasal ng nobyang si Grace Alon no­ong Disyembre12.

Pinapagaling naman ni Valenzuela ang kanyang left shoulder injury na kanyang nalasap sa pagsasa­nay sa rice terraces ng Ba­­naue noong Disyembre.

Idinagdag ng Roadbike Phl sa kanilang tropa sina sprinters Ronnel Hualda at Alfie Catalan at climber Har­vey Sicam.

vuukle comment

ALFIE CATALAN

AMERICAN VINYL

DISYEMBRE

GALEDO

GRACE ALON

IRISH VALENZUELA

MARK GA

ROADBIKE PHILIPPINES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with