^

PSN Palaro

Huling laban na! Pacquiao vs Marquez

AC - Pilipino Star Ngayon

LAS VEGAS--Kung may bagay mang pinagkakasunduan sina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez, ito ay ang magi­ging pinakahuli na nilang laban.

Wala nang mangyaya­ring pang lima, pag anim o pangpito.

Sa Linggo (Manila ti­me) ay tatapusin na nina Pacquiao at Marquez ang kanilang paghaharap sa ibabaw ng boxing ring.

Nagtagpo sina Pacquiao, magiging 34-anyos sa Disyembre 17, at si Marquez, naging 39-anyos noong Agosto 23, ng tatlong beses na pawang mga naging kontrobersyal na mahigpitan ang laban.

Magkasunod na duma­ting sina Pacquiao at Marquez sa MGM kung saan sila kinapanayam ng press sa VIP Lounge.

Wala silang planong tumbasan o lampasan ang anim na beses na paghaharap nina Sugar Ray Robinson at Jake LaMotta mula noong 1942 hanggang 1951.  “I don’t think so,” wika ng Mexican.

Tila pagod na siyang makita si Pacquiao sa kabilang corner matapos ang kanilang draw noong 2004 at dalawang pagkatalo noong 2008 at 2011.

Nanalo si Pacquiao kahit na naniniwala si Marquez na siya ang tunay na nagwagi.

“Maybe this is the last. I don’t know what will happen inside the ring. But maybe this is our last time,” ani Mar­quez kay Pacquiao.

vuukle comment

AGOSTO

DISYEMBRE

JUAN MANUEL MARQUEZ

MAGKASUNOD

MARQUEZ

PACQUIAO

SA LINGGO

SUGAR RAY ROBINSON

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with