^

PSN Palaro

Gesta, Farenas lalaban sa undercard nina Pacquiao-Marquez

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang Filipino fighter ang matutunghayan sa undercard ng pang-apat na banggaan nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa Disyembre 9 (Manila time) sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Ito ay matapos maidagdag si Pinoy pride Michael Farenas para sagupain si dating world featherweight champion Yuriorkis Gamboa ng Cuba.

Nauna nang isinama sa undercard ng Pacquiao-Marquez IV ang paghahamon ni Filipino challenger Mercito ‘No Mercy’ Gesta kay Mexican IBF lightweight titleholder Miguel Vazquez.

Kasalukuyang dala ng 29-anyos na si Farenas ang kanyang 34-3-4 win-loss- draw ring record kasama ang 26 KOs, samantalang bitbit ng 30-anyos na si Gamboa ang kayang (21-0-0 (16 KOs) slate.

May 7-0-1 marka si Farenas, kasama dito ang dalawang KO wins, matapos matalo kay Marlon Aguilar via unanimous decision noong Mayo ng 2010.

Ibinabandera naman ni Gesta ang kanyang impresibong 26-0-1 (14 KOs) card sa paghahamon niya kay Vazquez (32-3-0, 13 KOs) na matagumpay na naidepensa ang kanyang IBF lightweight title kay Marvin Quintero via split-decision noong nakaraang buwan.

Maghaharap ang 33-anyos na si Pacquiao (54-4-2, 38 KOs) at ang 39-anyos na si Marquez (54-6-0, 39 KOs) sa ikaapat na pagkakataon sa isang non-title, welterweight fight.

vuukle comment

DALAWANG FILIPINO

FARENAS

GESTA

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

MARLON AGUILAR

MARVIN QUINTERO

MICHAEL FARENAS

MIGUEL VAZQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with