^

PSN Palaro

Juan ma patutulugin si Pacquiao

RMPangilinan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “I will not leave it to jud-ges to decide, I will go for the knockout,”  ang pangako ni Mexican boxing superstar Juan Manuel Marquez na haharap sa Filipino boxing icon na si Manny Pacquiao sa ikaapat na pagkakataaon sa Disyembre 8 sa MGM Grand sa Las Vegas.

“I am going for a knockout,” aniya sa kabila ng hiya­wan ng may 1,000 katao sa kanyang pagbisita sa South Texas-Mexico border na Laredo kung saan siya ay inimbitahan upang tumanggap ng pagkilala para sa kanyang mga nagawa sa boksing.

Mayroon siyang pitong world titles sa apat na weight divisions at tinitingala bilang inspirasyon ng mga kaba­taan.

Iginawad ng lungsod ng Laredo, sa pangunguna ni Mayor Raul Salinas, kay Marquez ang honorary title na President of the Republic of Rio Grande, isang pagkilalang ibinibigay sa mga indibidwal bilang Ambassadors of Goodwill sa “Noche Fiesta” sa Laredo Civic Center ballroom.

Sa mga naunang pana­yam, sinabi rin ng eight-d­i­vision world champion na si Pacquiao na plano niyang tuksuhin si Marquez na lumabas at lumaban para ma-knockout na niya.

“I am happy with the good preparation. We should be training now and as soon as we go back to Mexico later today, we will proceed with training,” wika naman ni Marquez sa kanyang paghahanda. 

“So you want to knock me out? Same here,” ha-mon pa ni Marquez kay Pacquiao.

Ang unang labang Pac­quiao-Marquez noong 2004 ay nagtapos sa draw sa kabila ng pagkatumba ng Mexican legend nang tatlong beses sa unang round.

Sa kanilang ikalawang laban, napatumba rin ni Pacquiao si Marquez sa ikatlong round at nanalo sa pamama­gitan ng split decision at isang kontrobersiyal na majo­rity decision naman pabor kay Pacquiao ang naging katapusan ng ikatlong laban noong nakaraang taon.   

Hindi pa rin kumbinsido si Marquez at ang kanyang kampo sa dalawang panalo at isang draw ni Pacquaio, kaya ngayon, nais ng Mexican legend na siguruhin ang kanyang tagumpay sa pamamagitan ng stoppage.

vuukle comment

AMBASSADORS OF GOODWILL

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAREDO

LAREDO CIVIC CENTER

LAS VEGAS

MARQUEZ

MAYOR RAUL SALINAS

NOCHE FIESTA

PACQUIAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with