^

PSN Palaro

WBC belt ni Cuello naibalik na

- Russell Cadayona - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Makakahinga na ng maluwag ngayon si Filipino fighter Denver ‘The Excitement’ Cuello.

Ito ay matapos maibalik sa kanya ang WBC Silver minimumweight belt na naiwan niya sa isang taxi noong Lunes ng gabi matapos sumakay sa Cubao, Quezon City.

Isinoli ni taxi driver Pepito Sumalinog ang naturang WBC title ni Cuello sa dzBB radio station.

“Ang inisip ko siguro naghahanap ang may-ari nito,” sabi ni Sumalinog, hindi nakilala ang 25-anyos na si Cuello nang sumakay sa kanyang taksi noong Lunes ng gabi kasama ang tatlo pang kasamahan.

Nagpahatid sina Cuello kay Sumalinog sa may lugar sa Sta. Lucia East, ngunit naiwanan ang kanyang bag sa compartment ng taxi na naglalaman ng WBC belt at ilan pang kagamitan sa kanyang pagbaba.

“Nang nalaman ko si Denver pala siya, nakababa na sila. Hindi ako nakaalis agad, hindi ko rin alam na may naiwan,” ani Sumalinog.

Ipinagpasalamat naman ni Cuello ang pagsosoli ni Sumalinog, kumikita ng P500 bawat araw at may dalawang anak, ng kanyang titulo.

“Nagpapasalamat ako sa mahal na Panginoon may taxi driver na pag nakakita ng gamit sinasauli. Maraming salamat sa inyo Mang Pepito,” sabi ni Cuello, tinalo si Mexican challenger Ivan Meneses via unanimous decision noong Oktubre 4 sa Auditorio del Bicentenario sa Morelia, Michoacán de Ocampo, Mexico City.

Kasalukuyang tangan ni Cuello ang kanyang 32-4-6 win-loss-draw ring record kasama ang 21 knockouts at sumasakay sa isang 11-fight winning streak.

Hahamunin ni Cuello ang mananalo sa pagitan nina Xiong Zhao Zong at Javier Martinez na mag-aagawan para sa lehitimong WBC minimumweight crown sa Oktubre 27 sa China.

vuukle comment

CUELLO

IVAN MENESES

JAVIER MARTINEZ

LUCIA EAST

MANG PEPITO

MEXICO CITY

OKTUBRE

PEPITO SUMALINOG

QUEZON CITY

SUMALINOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with