Badolato may lilinawin sa PSA forum

MANILA, Philippines - Lilinawin ni UAAP Commissioner Ato Badolato ang kontrobersyal hinggil sa nangyari sa Game One ng 75th UAAP men’s basketball finals sa pagitan ng four-peat champions Ate­neo at University of Santo Tomas sa kanyang pagdalo sa PSA Forum nga­yong umaga sa Shakey’s Ma­late.

Tinuligsa ni UST coach Pi­do Jarencio ang officia­ting sa series opener ng ka­nilang best-of-three title duel ng Ateneo noong Sa­bado.

Tinalo ng Blue Eagles ang Growling Tigers, 83-78.

Makakasama ni Bado­la­­to sa sports forum na isi­nasaere sa DZSR Sports Ra­dio 918 at inihahandog ng Smart, Philippine Amusements and Ga­ming Cor­poration at Sha­key’s sina FilOil Flying V general ma­nager Joey Guillermo ng 2012 IPPCA Pre-Season Football Cup at ang NAASCU champion St. Clare na pamumunuan ni­­na school president Dr. Jay Adalem at head coach Jan­no Ma­nansala.

Show comments