^

PSN Palaro

Pinoy tracksters lalahok sa Asia Masters Athletic C'ships

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Ibabandera uli nina Erlinda Lavandia, Emerson Obiena at Tony Chee ang ipadadalang Pambansang koponan sa 17th Asia Masters Athletic Championships sa Chinese Taipei mula Nobyembre 1 hanggang 7.

Ang National Masters and Seniors Athletic Association of the Philippines ang siyang mamamahala sa pagpapadala ng koponan na kabibilanganan ng 24 na manlalaro.

Ang Asia Masters ay pinaglalabanan sa iba’t ibang age group at ang Pi­lipinas ay palagiang nag-uuwi ng gintong medalya sa torneo.

Sa huling edisyon no­ong 2010 sa Kuala Lumpur, Malaysia, ang Pilipinas ay nanalo ng limang ginto at si Lavandia ay humakot ng tatlong ginto sa larangan ng discus throw, javelin throw at shotput at si Obiena at Chee ay may tig-isa sa pole vaults.

“Consistent gold medal winners ang Pilipinas pero hindi tayo napapasok sa top placers dahil kaunti lamang ang ipinadadala natin. Sa taong ito ay 24 ang isasama natin at lalaro sila sa atleast 10 events and hopefully masama tayo sa top 5 with at least 10 gold medals,” wika ni NMSAAP president Manny Ibay na bumisita sa PSA Forum kasama sina Obiena at Chee.

Ang dating SEAG long jump queen na si Elma Muros Posadas na nanalo rin ng ginto sa World Masters, ay kasama rin habang sina long jumper Lerma Bulauitan at middle distance runner John Lozada ay nasa koponan din at aasahan din ng mga gintong medalya.

Pareho namang nagsabi sina Obiena at Chee ng handa sila sa torneo at lalaban pa rin sa gintong me­dalya.

Ang tagisan ay hinati sa iba’t ibang age groups at ang mga patok na ma­nguna uli ay ang India, Chi­na at Japan dahil sa mas maraming bilang ng ipinadadalang kalahok. (ATan)

vuukle comment

ANG ASIA MASTERS

ANG NATIONAL MASTERS AND SENIORS ATHLETIC ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ASIA MASTERS ATHLETIC CHAMPIONSHIPS

CHINESE TAIPEI

ELMA MUROS POSADAS

EMERSON OBIENA

ERLINDA LAVANDIA

JOHN LOZADA

KUALA LUMPUR

OBIENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with